Matagal nang nakapasok sa guest room si Mrs. Gabriel pero nasa sofa pa rin kami at walang imikang nakaupo. Hawak ko ang kamay nya habang nakasandal sya sa balikat ko.
"I'm sorry." Usal nya. "She's always like that. Stubborn, heartless.." Mapait syang natawa. "..and emotionless."
Tipid akong ngumiti pero hindi nagsalita.
Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko dahil sa nangyari kanina."Let's go?" Tumingala sya sakin
"Saan?"
"Uuwi na tayo sa bahay nyo. Pero kung gusto mo, mag check in nalang tayo sa hotel hanggang sa bumalik si mommy sa Thailand."
Kumunot ang noo ko.
"Bakit tayo aalis dito?""Xavier..."
Natawa ako nang mahina.
Kanina habang sinasabi ni Bryce ang mga hinanakit nya, nakita kong bahagyang lumambot ang ekapresyon ng mommy nya.
Iniisip ko kung pano kaya kung sakanya nagmana si Bryce? Na madaling suyuin at pabaitin? Kapag nagtatampo si Bryce, kahit gaano sya kagalit kinakausap nya parin ako kapag may tinatanong ako sakanya. Pano kung ganon rin ang mommy nya? May chance kaya na lumambot rin ang loob nya sakin?"Ano ba ang nakakapagpasaya sakanya?" Tanong ko.
Bahagyang kumunot ang noo nya.
"Why are you asking?""Bakit hindi tayo mag stay dito tapos ako yung umalam kung ano yun? O kaya, ako ang magbigay nun sakanya hanggang sa tanggapin nya tayo?"
Umalis sya sa pagkakasandal sakin at nagtatanong ang mga matang nagsalita,
"Xavier, don't tell me you're going to-""Gusto ko lang subukan, Bryce."
"Hindi ako papayag sa iniisip mo. Masasaktan ka lang." Mariing sabi nya. "We're leaving. Let's go." Tumayo sya at sinubukan akong hilahin sa kamay pero hinila ko lang sya pabalik sa sofa
"Bryce Gabriel, hindi porket ayaw nya sa atin, ayaw na rin natin sakanya. Mommy mo sya, nanay mo. Tingin mo kaya ng kunsensya ko na sirain ang relasyon nyo? Lalo lang sasama ang tingin nya sa akin kapag umalis tayo ngayon!"
"She told us to leave, gawin nalang natin ang gusto nya. What you are saying is not a good idea."
"But that's our best option to get her blessing. Kahit hindi pa ngayon. Gusto ko lang na makita nyang hindi nakakasama sa atin ang relasyong masama sa paningin nya."
Nalukot ang mukha nya dahil sa labis na pagtutol.
"Xavier, makakahanap pa tayo ng paraan. In a few days, babalik na sya sa Thailand. Hindi mo sya kayang palambutin sa ganong kaikling panahon! Hindi mo sya kilala, kahit ako hindi ko yun kayang gawin."Napabuntong hininga ako.
Alam ko. Baka nga kahit tingnan ako ay hindi magagawa ni Mrs. Gabriel, pero kung uuwi kami ngayon, siguradong ito rin ang sasabihin ni mama na gawin namin.At hindi ako naniniwalang kayang tiisin ni Mrs. Gabriel ang anak nya.
"Susubukan lang natin, Bryce. Tayo ang mas nakaka-intindi sa sitwasyon natin ngayon. Ano ang gusto mong gawin ko? Pumayag na lumayo nalang tayo sakanya? Sana naman naiintindihan mo rin ang nararamdaman ko."
"Bakit kita iintindihin ha, Xavier? Bakit ko papayagan na saktan ka nya?" Mariing tanong nya. "Tingin mo ba tatanggapin nya tayo dahil lang hindi tayo umalis? Tingin mo ba pasasalamatan ka nya dahil lang hindi mo ako nilayo sakanya?"
Hindi ako nakasagot at napakagat nalang ng labi.
Bahagyang lumambot ang boses nya,
"I'm just protecting you, Xavier. Because aside from her, you're the most important person to my life. Kung hindi tayo aalis, ikaw o sya ang mawawala sakin." Tumayo sya at pumunta sa harapan ko. Pumantay sya sakin at hinawakan ako sa pisngi. "Alam ko na hindi nya ako matitiis, ako nalang ang gagawa ng paraan para sa atin. Mas makakabuting umalis na muna tayo ngayon.""Pero Bryce-"
"No buts. Ang swerte ko na ganyan ka mag isip at sana nakikita rin yun ni mommy. Pero sa ngayon, palamigin na muna natin ang sitwasyon. Let's go home, please.."
Humugot ako ng malalim na paghinga at sinulyapan ang nakasaradong pinto ng guest room.
Wala kahit anong ingay na nagmumula sa loob."Xavier." Untag nya sakin.
Siguro nga tama sya. Mas kilala nya ang mommy nya kesa sakin at hindi tamang makita nya kami araw-araw na magkasama.
Pwede ko pa naman siguro syang suyuin kahit hindi kami dito nakatira?
"Umuwi na tayo." Sabi ko.
Nakahinga sya nang maluwag at umayos na ng tayo. Magkahawak kamay na naglakad kami papunta sa pintuan.
Nauna syang lumabas at bago ko iyon maisara ay narinig ko pa ang pagbukas ng pinto sa guest room.***********
( End Of The Chapter )
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..