*****

250 16 1
                                    

𝗧𝘄𝗼 𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁𝘀 𝗳𝘂𝗹𝗹 𝗼𝗳 𝗹𝗼𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴

****

"Let go!" Malakas na binawi nya ang braso nya at gumewang dahil sa biglang pagbitaw sakin.
Nakalabas na kami sa fire exit at wala ring tao maliban sa dalawang bouncer na nasa pintuan. Madilim at tanging ilaw lang sa poste na nasa di kalayuan ang maliwanag.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit nyang tanong. Marahas nyang hinimas ang braso nya na para bang inaalis ang bakas ng kamay ko doon.

Sarkastikong ngumisi ako.
"Ikaw pa ang galit? Tingnan mo nga ang sarili mo? Ano? Baliw ka na? Natuluyan ka na?!"

Inangat nya ang mukha nya,
"Why? What's wrong with my looks?" Saka literal na sinipat ang sarili. Hindi ko alam kung nang iinis o sadyang lasing lang sya.

Hinagis ko sakanya ang susi ng kotse ko.
"Umuwi ka na."

Tiningnan nya iyon at natawa.
Naglakad sya papunta sa dalawang bouncer. Pagbalik nya ay may sigarilyo na sa bibig nya.

"Pumunta ka dito para pauwiin lang ako?"

Pasimple akong umatras nang maglakad sya palapit sakin. Ang pamilyar na kislap sa mga mata nya ay ang kaparehong kislap na sumira noon sa mga prinsipyo ko.

Dahan dahan syang bumuga ng usok sa mukha ko.
"Why? Are you jealous because I start fucking girls?"
Nag iwas ako ng tingin at itinukod ang isang kamay sa dibdib nya para pigilan syang lumapit pa.

Ngumisi sya at napatingin doon.
Yun nalang ang humaharang saamin.

"If you're jealous.." Malakas na inalis nya iyon sa dibdib nya at tuluyang idinikit ang katawan sakin. "Then let me fuck you. Hindi naman pwedeng ang boyfriend mo lang ang gumagawa nun sayo."

Tumalim ang tingin ko.
Muling nabuhay nun ang galit ko at akmang susuntukin sya pero mabilis nyang naharang ang kamao ko at tinulak ako paatras sa isang sasakyan.

"Ayaw mo?" Hinawakan nya ako sa bewang at idiniin sa gilid ng kotse. "Why? Are you disgusted? Now that I bedded many women, ayaw mo na sakin? Ha!?"

Doon na tuluyang nagpanting ang tenga ko.
Agad syang natumba sa lupa nang malakas ko syang itulak. Hawak sa kwelyong inangat ko ang kalahati ng katawan nya at dalawang beses na sinuntok sa pisngi. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang mga yun dahil kahit ako ay hindi na makontrol ang sarili.

Ganon ba kababaw ang tingin nya sakin? Na hindi sya tatanggapin dahil lang sa mga walang kwenta nyang desisyon sa buhay? Wala parin syang pinagbago, kaya nya paring galitin ang isang tao sa isang salita nya lang. At kaya nya paring buhayin ang emosyon sa puso ko hanggang sa kaliit-liitang bahagi nun.

Mabigat ang paghinga na pabalya ko syang binitawan.
Itinukod nya ang siko sa lupa at hinawakan ang pumutok nyang labi.
"Nakakadalawa ka na, Xavier. Tingin mo ba hindi kita kayang saktan?!" Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis syang bumangon at malakas na iuntog ang ulo nya sa ulo ko.

Bigla akong nahilo pero agad ring napatayo nang makita kong susugod ulit sya.
"Alam ko na kaya mo yan gawin! Dahil anim na taon mo na yang ginagawa sakin!"

Napapiling ako nang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ko. Dama ko agad ang pagdaloy ng malapot na likido sa gilid ng labi ko. Hinila nya ako sa kwelyo na sa sobrang lakas ay nagtalsikan ang ilan sa botones ng damit ko.
"Nang buksan ko ang pinto ng condo para iwan ka, hindi mo alam kung gaano katagal bago ko yun naisara ulit! Para akong mababaliw sa Thailand sa mga araw na wala ka!" Sigaw nya. "Tingin mo madali lang yun sakin ha?" Sa katahimikan ng gabi ay dama ko ang bigat sa bawat salitang binibitawan nya.

Naramdaman kong nanginig ang mga kamay nya kasabay nun ang pagsikip ng dibdib ko lalo na nang suminghot sya at ibagsak ang ulo sa balikat ko. "Sa sobrang sakit halos hindi ko na yun maramdaman.."

Nag init ang mga mata ko nang yumugyog ang balikat nya. Kumapit sya sa damit ko at tahimik na umiyak.

"Umalis ako kasi kailangan.." Bulong nya. "Umalis ako para makabalik ulit sayo..tapos makikita ko na may iba ka na?"

Tumingala ako at pinigilan ang mga luha ko sa pagbagsak pero maging ang mga iyon ay para akong trinaydor na nag uunahang dumaloy sa pisngi ko.

"Bakit mo pa ako pinuntahan, Xavier? Kung hindi ka rin babalik sakin, bakit mo pa ako pinapahirapang kalimutan ka?" Tanong nya sa nanginginig na boses.

Dama namin ang paghihirap ng isa't-isa. Ngayon lang lumalabas ang lahat ng emosyong pinigilan namin sa ilang beses naming pagkikita.

Paano ako magkakaroon ng iba kung sayo lang ulit tumibok ng malakas ang puso ko?

Dala ang ilang taong sakit at pangungulila, niyakap ko sya nang mahigpit at hinayaan ang sarili ko na kalimutan ang galit at magpalamon sa ilang taon kong itinago na nararamdaman para sakanya.

Umangat ang mga braso nya at niyakap ako nang mas mahigpit.

"Xavier..."

Sa pagbanggit nya ng pangalan ko ay ang unti-unting pag gaan ng paghinga namin pareho.

Bahagya akong napangiti nang muli ko yung marinig sakanya nang walang bahid ng galit.

At gaya ng dati...
isa parin yun sa mga kahinaan ko.

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon