𝗡𝗼 𝗢𝗻𝗲 𝗘𝗹𝘀𝗲'𝘀 𝗢𝗽𝗶𝗻𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗵𝗼𝘂𝗹𝗱 𝗠𝗮𝘁𝘁𝗲𝗿
***************
Nang makarating ako sa exit ng condominium building ni Bryce ay agad na napansin ko si Mico na nakasandal sa kotse nya sa parking lot.
"Xavier."
"Mico." Lumapit ako sakanya. "Anong ginagawa mo dito?"
Inalis nya ang suot nyang sunglasses.
"May meeting ako nearby when your boyfriend called me to take you home.""Take me home?"
Umangat ang gilid ng labi nya bago ako sinenyasang pumasok sa kotse.
"Get in."Hindi na ako nagreklamo at napapabuntong hiningang sumakay sa kotse nya.
"Nakaabala pa ako sayo." Sabi ko nang nasa highway na kami.
"Silly. This is nothing. Alam ko naman na nasa condo ang mommy nya."
Hindi ako umimik.
"You okay?"
Binaba ko ang bintana nang makalagpas kami sa traffic.
"Smokes." Initsa nya sa lapi ko ang kaha ng sigarilyo.
"Xavier, next time if Bryce ask you to stay, you stay. Don't runaway."Pinatong ko ang braso ko sa bintana at itinaktak sa labas ang upos ng sigarilyo. "Kung nakita mo lang kung paano ako tiningnan ng mama nya."
"Pero ang tingin ni Bryce, nakita mo ba?" Tanong nya na sa kalsada nakatutok ang tingin.
Hindi ako umimik hanggang sa maubos ang sigarilyong hawak ko.
He was almost begging me to stay.
Pero mas nanaig sakin ang kaba at takot.Napabuga ako ng hangin at tumingin sa labas ng bintana.
Gusto ko lang naman na makapag usap sila nang sila lang. At pakiramdam ko, hindi tamang nandun ako."You know that Rixon and I, both of our parents were against our relationship, right?" Marahan akong tumango.
"I understand because that's normal and people think that our relationship is not. Pero nang makita nila na masaya si Rixon sakin, hinayaan na nila kami."Sumandal ako sa upuan at tinapunan sya ng tingin.
"Xavier, it doesn't matter if people don't want you to be together. As long as you have each other and you're happy, no one else's opinion should matter."
Biglang tumagos sa isip ko ang sinabi nya.
Wala naman akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao saamin. Nang naging kami noon, ang sasabihin nalang ni Bryce ang importante sakin.
Pero hindi ko alam na kailangan ko rin palang isipin ang sasabihin ng mga magulang namin na nawala sa isip ko, siguro dahil lahat ng mga kaibigan namin ay tanggap kami.At mali nga sigurong iniwan ko sya agad nang hindi man lang nakakapag paliwanag at alamin kung hindi nya ba talaga kami matatanggap.
"We're almost there." Aniya.
Marahan akong natawa.
"Bakit kapag nagkakaproblema kami ni Bryce, ikaw lagi ang pinapadala nya?""Because I'm the most matured and reasonable." Tipid syang ngumisi.
Hindi na ako nakipagtalo, dahil totoo naman. Saaming lahat, sya ang pinaka malawak mag isip.
Nang makarating kami sa bahay ay hindi na rin sya bumaba at umalis na agad dahil sa pansamantala nyang iniwang trabaho. Habang ako ay pumasok na sa bahay at nagtatakang sinalubong ni mama na may hinahanap sa likuran ko.
"Nasaan si Bryce?"
************
( To Be Continued )
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..