"Sir, parang iba ang glow nyo ngayon. Dati po kasi ang dry ng mood nyo, ngayon tingin ko..." Nakakunot na pinutol ng estudyante ko ang sinasabi nya at sinuyod ako ng tingin. Tinaasan ko sya ng mga kilay at hinintay ang sasabihin nya, "...tingin ko po nadiligan na kayo." Biglang umugong ang panunukso ng klase. "Nadiligan ng pagmamahal, Sir." Dagdag nya.
Napangiti ako.
"Pano naman madidiligan si Sir kung wala naman syang girlfriend?" Masungit na tanong ni Ms. Gomez. Hindi na sya nagbibigay saakin ng mga chocolates, pero panay naman ang bigay nya ng masamang tingin sakin.
"That's impossible! Sir Xavier is really good looking. Do you really think he's single?" Tanong ng katabi nya.
Dahil malapit na ang sports fest at halos patapos na ang lessons ngayong grading ay naupo nalang ako at pinakinggan sila. Babalik na si Mrs. Marco next week kaya isang linggo ko nalang maririnig ang mga boses nila.
"What girlfriend are you talking about? He even dumped me! Tingin mo may magtyatyaga sa ganyang attitude? Kahit ako, hindi no!"
Muntik na akong matawa sa sinabi nya.
"Kahit magtyaga ka, hindi ka parin type ni Sir!" Sigaw ni Kate, ang pinakamaingay sa klase. "Anong girlfriend ba kasi? Sa gwapo ni Sir, kahit mga lalaki, nababali ang leeg sa kakatingin palang sakanya!"
Nakangiting kumunot ang noo ko.
"For example, si sir Hey, tapos yung company commander ng Alpha company, yung pumupunta ditong kaibigan nya yung mahaba ang buhok tapos yung nurse sa clinic!"
"So, ano ang point mo? Lalaki ang type ni Sir? Is that even normal?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Ms. Gomez
"So, ano rin ang point mo? Bawal magkagusto ang lalaki sa kapwa lalaki?"
"No, my point is, that's not acceptable! He look so manly! Tingin mo matutuwa sya to hear that from you? You're judging him!"
"I'm not! I'm just stating my observation!"
"Observation? observation from a BL fan like you? Kahit siguro boyfriend mo ishiship mo sa best friend mong lalaki!"
Tuluyan na akong natawa maging ang ibang estudyanteng nakikinig sa usapan nila.
"Well, pano mo nalaman?" Natatawang tanong ni Kate.
"You're so disgusting!" Malakas na sabi ni Ms. Gomez.
Mabilis na dinuro sya ni Kate.
"Hey, be careful with your words! So what if you saw two men on the street, holding each others hand, hugging or even kissing, are you going to tell them that they are disgusting just because they're not straight? You fucking bitch."Sumandal ako sa upuan at sinenyasan sila.
"Ms. Gomez, Ms. Santos, that's enough."Ilang sandali pa silang nagpalitan ng matalim na tingin bago umupo at humarap sakin.
Tahimik na nagpalipat lipat ang tingin ko sakanila bago ngumiti, "Tell me, why are you fighting?"
"Sir, si Kate po kasi pinagpipilitan na may chance na lalaki ang gusto nyo kaya wala kayong girlfriend." Sagot ni Ms. Gomez
Sumimangot si Kate.
"And you just called it disgusting. Two men liking each other. Pwedeng magkaroon ng love dun, and you're calling it disgusting? What a heartless bitch.""Ms. Santos, I'm glad that you accept that kind of relationship. But not everyone can open their minds." Tipid ang ngiting sabi ko. "Because it's all about principles. Once you didn't stick to it, it will make you less of a person. But love is traitor, always remember that. Sometimes, no matter how hard you hold on to your principles, it will push you to something you can't refused. Even to the most 'disgusting' relationship that you can imagine."
Pareho silang natahimik at hindi na sumagot.
"You are all grown ups now. Someday, you will realize that love has no limit. It has no principles at all. You love who you want to love. And never judge someone for doing so. No matter what the gender is."*********************
Palabas na ako ng classroom nang tumawag si Bryce. Siguro ay nasa Tagaytay na sya ngayon dahil nagpasama si Nani na kumuha ng mga supplies sa restaurant nya.
"Baby, come out for a while. Nasa labas ako ng school nyo."
Bahagya akong nagulat.
"Diba pupunta kayo sa Tagaytay?""May pinuntuhan sandali si Nani. Aalis kami after one hour. Let me see you first."
Napangiti ako at agad nang naglakad papunta sa gate. Kasama ko lang sya kanina, pero aalis sya at baka mamayang gabi pa makauwi kaya halos liparin ko ang daan para makita sya agad kahit ilang minuto lang.
"Xavier!"
Napatigil ako at lumingon kay Hey na tumatakbo papunta sakin.
Nakangiti sya at mukhang walang balak mailang sakin matapos ang nangyari sa cafeteria kaya ganon nalang rin ang ginawa ko."Hey." Kaswal na bati ko.
"Hanap ka sa Dean's office."
Agad akong napatingin sa gate kung saan siguradong naghihintay si Bryce.
"Pwede bang mamaya nalang?""No, mukhang urgent. Ikaw nalang ang hinihintay. It's about the sports fest at pati ang director ng school ay nandoon rin."
"Mga thirty minutes lang. May kikitain lang ako."
Lumapit sya sakin at umakbay.
"Makakapag hintay naman siguro ang kikitain mo." Makahulugan nyang sabi bago ako hinila palayo sa gate.Mabigat ang loob na sumama ako sakanya kahit gustong gusto ko syang itulak palayo at tumakbo palabas.
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..