"Xavier, bakit hindi nalang daisy ang bilhin mo for her?" Sabi ni Kiersten saka inangat ang isang malaking bouquet. "Here, take a look. It symbolizes new beginnings."
Nandito kami sa 'Centerpieces', ang flower shop malapit sa Forbes Building. Tumawag sya kanina at nangumusta. Binanggit ko sakanya ang tungkol sa pag uusap namin ng mommy ni Bryce at nagprisinta syang tulungan akong bumili ng bulaklak lalo na at wala rin naman akong alam sa mga ganitong bagay.
Napatango-tango ako.
"Maganda. Pero diba parang ang laki naman nito? Baka isipin nyang sinusuhulan ko sya ng bulaklak."Natawa sya.
"Stop over thinking. Nagustuhan ka ni Bryce. Kung iisipin mas malala pa ang boyfriend mo sa mommy nya dati. But look at him now, he's like a tamed animal. And you did that. Tingin ko kaya mo rin gawin yun sa mommy nya." Tinapik nya ang balikat ko at inayos ang buhok ko.Napapangiting tumango ako at dadalhin na sana sa counter ang bouquet nang may mahagip ang mga mata ko. Isang bouquet na kulay violet ang mga bulaklak.
"That's a Campanula flower bouquet." Sabi ng florist na nakapansin sa tinitingnan ko. Kinuha nya iyon at inilapit sa akin. "This is a symbol of gratitude. This is an ideal flower to give to someone you want to treasure for the rest of your life."
Napangiti ako at kinuha sakanya ang bouquet.
"I'll get this one."**************
( To Be Continued )
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..