Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Best friends?
"I know." Aniya pagkakita sa reaksyon ko. "Small world, isn't it?"
Bakit hindi ko man lang ito nalaman kay mama?
"Nani gave me the wrong number when I asked him about yours."
Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa sa isip ko kahit pa nga seryoso ang mukha ni Mrs. Gabriel.
Nani, sa wakas ay may ginawa kang tama.
"Bryce won't answer my calls. Ni hindi sya umuuwi kaya naisip ko na ikaw ang tawagan at kumbinsihin syang pauwiin. Who would've thought that my nephew will give me your mom's number?"
Lumitaw ang isang magandang ngiti sa mga labi nya. "I honestly miss her. She's one of the most wonderful people I've ever met in my life.."
Sa paningin ko ay parang biglang bumalik ang isip nya sa panahon na magkasama sila ni mama. Pero ayokong magtanong kahit pa nga hindi ko maiwasang mamangha sa takbo ng mga pangyayari.
Kaya pala noong kausap sya ni mama, hindi pag uusap ng isang bago palang magkakilala ang mga tawa nya. At kung matagal silang hindi nagkausap, ang apat na oras na ginugol ni mama kanina sa cellphone nya ay siguradong kulang pa."Naputol lang ang connection namin ng mama mo when I married my ex-husband and stayed in Thailand. I was looking for her all over the internet but look how I found her.." Tumingin sya sa akin na may halong pagkaaliw.
Tipid akong napangiti.
"But still, I will stick to my principles. So don't get your hopes high, Xavier."
Para sa gaya ko na ilang ulit nang nabali ang mga prinsipyo sa buhay, lalo na nang dumating si Bryce, hindi ko maiwasang hindi humanga sa paninindigan nya.
Pero kumpara dati, kalmado na ang boses nya ngayon. Mas magaan pakinggan kahit pa nga hindi pa rin iyon ang gusto kong marinig mula sakanya.
"Tama si Bryce. He is my son. Dapat ako ang unang tumanggap sakanya. Pero ano ang ginawa ko?" Lumungkot ang boses nya at hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin.
"Naiintindihan ko naman po kung bakit ganon ang naging reaksyon nyo." Mahina kong sabi na sinagot nya ng marahang pagtawa.
"But let me guess, your mother never reacted the way I did."
Napapangiting tumango ako.
Gusto kong malaman kung paano sila nagkasundo kahit malinaw na marami silang pagkakaiba.Ilang sandali rin kaming hindi nag imikan bago sya ulit nagsalita,
"Both of you are grown ups now. Marami na kayong desisyon na hindi na namin kayang kontrolin. Hindi ko man tanggap ang klase ng relasyon nyo, always remember that I will always be Bryce's mother and your mother's friend."Nang abutin nya ang kamay ko at hawakan ay biglang gusto kong maiyak. Dati ang magkaroon lang ng emosyon ang mga mata nya habang tumitingin sa akin ang gusto kong makita pero ngayon hawak ko ang kamay nya.
"Thank you, ma'am." Puno ng emosyong sabi ko.
"Or maybe 'mom'?" Nakangiting sabi nya na may panunukso sa boses. Nahihiyang kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilang mapangiti.
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"You can now do whatever makes you happy. Pero bago yun, may gusto akong hinging pabor sayo.."*************
( To Be Continued )
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..