"You okay, bro?" Tanong ni Nani. "Alam mo, wag mo nang isipin ang gagong yun. Noon hindi ka nya pinormahan, ngayon na bumalik si Bryce saka sya aamin? You see, parang gusto nya lang talagang manggulo sainyo."
"Wala naman akong problema sakanya. Mas namomroblema pa ako kay Bryce kapag nakikita nyang lumalapit sakin si Hey."
Natawa sya, "Kahit naman ako. Nakita mo ba ang itsura ni Hey? Mukha syang isa sa mga bouncer ng Oblivion. Mukhang malakas pero mukha ring hindi mapagkakatiwalaan."
Sumandal ako sa kotse nya at pabuntong hiningang bumuga ng usok ng sigarilyo.
"Sabihin mo nga, mukha bang papatol pa ako sa ibang lalake maliban kay Bryce?""Ikaw lang ang makakasagot nyan, bro. Sabi mo dati, hindi ka na interesado sa mga babae. Kung wala ang feelings mo para kay Bryce, posible yung mangyari."
Hinulog ko ang sigarilyo at tinapakan.
"Tingin mo, may nagbabago ba sa feelings kapag tumigil yun pansamantala? Gaya samin ni Bryce, umalis sya nang ilang taon. Tingin mo ba ang nararamdaman ko ngayon, gaya parin ng dati?"Kunot ang noong natawa sya, "Are you being confused?" Humalukipkip sya at pinanuod ang mukha ko. "Xavier, nasayo ang sagot nyan. I'm not a love guru, pero kung paano tumibok ang puso mo 6 years ago at ngayon, ikaw lang ang makapagsasabi kung may pinagkaiba ba yun." Umakbay sya sakin at tinapik ang balikat ko. "He broke your heart into pieces, pero nung nabuo yan ulit ano ang nangyari?"
Hindi ako umimik at tumingin lang sa papalubog nang araw.
Si Bryce parin ang itinibok.
"Don't be confused, bro. Kasi kapag nakita kong naguluhan ka, makikigulo rin ulit ako sainyo." Nakangising sabi nya.
"Ganon ba ako kagwapo para pag agawan nyo?" Natatawang biro ko.
Lumawak ang ngisi nya at sinuyod ako ng nakapangingilabot na tingin, "Ganon ka rin kasarap, Xavier."
Malakas ko syang sinipa na nailagan nya, "Alam mo kaya kitang ihagis sa baba nitong seawall at hayaang mamatay."
"I'm telling the truth. Kaya nga hindi na ako nagtataka kay Hey." Muli nya akong inakbayan. "Bryce is very lucky. That bastard should not waste this chance. Dahil marami ang nakaabang sayo."
"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" Sinamaan ko sya ng tingin.
Natatawang kumuha sya ng isang stick ng sigarilyo at muling nagsindi,
"Wag kang mag alala, hindi na ako dadagdag sa magiging sakit ng ulo ng pinsan ko. Baka mabaliw si Bryce at ako pa ang sisihin mo."****************
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..