KABANATA 1

39.1K 1.2K 586
                                    

Kabanata 1.

Maybe they thought I am deaf. I am only blind but I can hear everything. Rinig ko ang pagsara at pagbukas ng pinto ng aking silid. Rinig ko rin ang yapak ng paa na maingat na naglalakad sa loob ng kwarto na ito.

I can also feel the presence of someone.

"Is there anything left in my jewelries? I thought you already stole everything," walang emosyon kong saad.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng aking silid. Alam kong natigilan sa paggalaw ang taong kasama ko ngayon dahil sa aking sinabi.

Makalipas ang ilang segundong katahimikan ay may narinig akong mahinang tawa.

She laughed mockingly.

"Ano naman kung ninanakaw ko ang mga alahas na meron ka? Dapat lang sa akin na bigyan mo ako ng mga alahas dahil hindi mo alam kung gaano kahirap maging katulong ng isang bulag."

Ngumiti ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"Marisa, feel free to take every jewelries of mine." Malambing akong ngumiti.

"Ha! Hindi ko alam kung may utak ka ba o wala. Kahit hindi mo sabihin, kukunin ko lahat ng mga alahas mo!" saad pa nito at kahit hindi ko siya kita ay alam kong nakangiti siya ngayon.

"Isa pa, alam kong kahit magsumbong ka kay Madam at Don Kalranza ay hindi ka nila papakinggan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka pa nila pinapalayas sa mansion ng Kalranza. Wala ka naman kwenta," pagpapatuloy pa nito.

Napayuko ako.

Pathetic.

"Wala din maaawa sayo dahil hindi mo naman namana ang abilidad ng pamilya mo. Kung ako sayo, bakit hindi ka nalang magpakamatay? Wala ka naman silbi sa pamilya mo."

Mahina akong natawa ng marinig ko ang sinabi ni Marisa. Rinig ko ang tunog ng mga alahas at ang pagbukas sara ng mga cabinet.

"Pag namatay ako ay mawawalan ka ng trabaho," nakangiti kong saad.

Narinig ko agad ang pag-ismid ni Marisa na para bang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

"Akala mo ba ikaw lang ang anak ni Don Kalranza? Mas gugustuhin ko pang maging katulong ni Lady Lorania kaysa sayo. Kaya mas mabuti pa na magpakamatay ka na lang," inis na saad nito.

"Hm, if you want me dead. Then, do as you please. Kill me," nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Huwag ka mag-alala. Kapag nakahanap ako ng lason, siguradong ilalagay ko 'yon sa inumin o pagkain mo. Mauna na ako, Lady Larika. Salamat sa mga alahas."

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay agad nawala ang ngiti sa labi ko. Napahawak ako sa blindfold na suot ko.

My life is really...

Really entertaining.

Kinapa ko ang walking stick sa aking tabi bago ako tumayo. Lumabas ako sa aking silid at hindi pa man ako nakaka-ilang hakbang ay nadapa na ako sa sahig.

"Pasensya na Lady Larika, hindi po kasi kayo tumitingin sa daan," rinig kong saad ng isang katulong na halatang nagpipigil sa pagtawa.

"Can you help me?" Nakangiti kong tanong dito.

"Hindi ko po kayo matutulungan Lady Larika. May hawak po kasi akong mabigat na bagay," tugon naman nito sa akin.

Hindi siya nag-iisa dahil dalawang magkaibang tawa ang naririnig ko.

"What are you doing?"

"Greetings, Young Master Larrion."

Hindi ako tumayo ng marinig ko ang pagdating ng aking nakatatandang kapatid.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon