KABANATA 47

19.4K 895 194
                                    

Kabanata 47.

**WARNING: VIOLENCE**

Inilagay ko sa aking balikat si Koco ng makarating ako sa underground prison. Kasunod ko pa rin si Erida.

Tiningnan ko ang wala ng buhay na si Larrion. Hindi pa naalis ang katawan niya dito. Malambing akong napangiti bago ako nakaisip ng idea.

Nilingon ko ang katabi kong si Erida.

"Erida, cut off Larrion's head and put it in on a gift box. Wrap it beautifully." Malambing kong utos sa kaniya.

Napakurap si Erida. Binalingan niya ng tingin ang walang buhay na si Larrion bago siya napangiwi.

"Yes, Madam. But why did you kill him so soon?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"I did not. Ezekon did."

Natawa ako ng makita ko ang pagtango ni Erida. Hindi na ito nagtanong pa.

Lumapit si Erida sa may lamesa upang humanap ng gagamitin niyang pamputol sa ulo ni Larrion.

Muli kong binuhat si Koco at naupo lang ako sa may upuan habang pinapanood si Erida.

Hinaplos ko ang ulo ni Koco. Bago ko tiningnan ang mga putol na daliri na nasa sahig. Napansin kong tiningnan iyon ni Koco pero hindi siya lumapit don. Ayaw niya ba o nahihiya lang siyang kainin ang mga putol na daliri.

"Koco, go ahead and it eat." Malambing kong saad sa aking alaga. Hindi naman siya mukhang mahiyain. Siguro ayaw niya lang talaga.

Sabagay, hindi mukhang masarap ang mga daliri ni Lorania at Larrion.

Hindi ko masisisi si Koco kung bakit ayaw niya.

"Madam, I'm done."

Napaangat ako ng tingin kay Erida ng magsalita siya. Buhat-buhat niya ang ulo ni Larrion.

Napatango ako.

"Send the gift to Sianara Ravella. Mag-iwan ka rin ng sulat."

"Ano pong dapat kong isulat madam?" Nakangiting tanong sa akin ni Erida.

"Write this down, 'I know how much you miss your beloved. This is why, I am gifting you this. If you want to thank me, go to Varyntian Mansion in Amaris City. -From Larika Trudi Kalranza-Varyntian, the girl you met before. P.S. If you don't want to visit me. It's fine. I just want to make you happy.' That's all, Erida."

Napakurap si Erida bago siya mabilis na tumango. Nakangiti ko siyang pinanliitan ng mata.

"Natatandaan mo ba lahat ng sinabi ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes, Madam!" Mabilis nitong sagot bago niya inulit sa akin ang sinabi kong dapat na isulat niya. Matapos magsalita ni Erida ay pinaalis ko na siya.

Nang makaalis si Erida ay tumayo na ako sa upuan. Naglakad ako palapit sa lamesa bago ko ipinatong doon si Koco.

"Father, are you awake?" Tanong ko habang pumipili ako ng dagger na may pinakamagandang desensyo.

Hindi ko narinig na tumugon si ama. Napangisi ako.

Napatingin ako sa gilid ng table ng mahagip ng mata ko ang ilang parehas ng itim na rubber gloves. Kumuha ako ng isa at sinuot iyon. Hindi ko ito nakita kanina. Mukhang pinahanda rin ito ni Ezekon.

Nang maisuot ang gloves ay muli akong pumili ng dagger.

Nang makapili ako ng dagger na purong itim ang kulay ay tsaka ko lang nilapitan si ama. Inalis ko ang piring sa mata niya at ang busal sa bibig niya bago ako humakbang palayo.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon