KABANATA 11

25K 1K 191
                                    

Kabanata 11.

Pinigilan kong magmulat ng mata.

Naramdaman kong hinalikan saglit ni Ezekon ang aking labi.

"Good night, Larika."

Pinakinggan kong mabuti ang paghinga ni Ezekon. Nang marinig ko ang kaniyang stable na paghinga ay tsaka lang ako nagmulat ng mata.

Unang bumungad sa akin ay ang labi ni Ezekon. Nakatapat iyon mismo sa aking paningin.

Walang ilaw ngayon sa loob ng bedroom ko pero maliwanag dahil sa ilaw na nagmumula sa buwan. Nakalimutan ko rin hawiin pasara kanina ang kurtina sa may balcony kaya malayang nakakapasok don ang liwanag mula sa buwan.

Inangat ko ang aking tingin sa matangos na ilong ni Ezekon patungo sa kaniyang mahabang pilikmata. Hindi gaanong mahaba ang buhok niya. Sakto lang ang gupit non.

Mukhang hindi rin pala normal ang itsura ng asawa ko. He's actually a handsome and fine man. He looks obedient and harmless when he's asleep.

Matapos kong pagmasdan ang mukha niya ay bumaba ang tingin ko sa leeg ni Ezekon. Nagsalubong ang kilay ko bago ko tinitigan maigi ang leeg ni Ezekon.

He has a neck tattoo. Hindi ko matukoy kung anong nakatattoo sa leeg niya dahil hindi ko iyon makita ng malinaw.

Muli kong inangat ang aking tingin sa mukha ni Ezekon. Mas mahaba talaga ang pilik mata niya kaysa sa akin.

"Still awake?"

Nanigas ang buo kong katawan ng magmulat ng mata si Ezekon. Hindi ako nakapagreact agad kaya bumungad sa aking paningin ang mata niya.

Blanko akong napatitig sa mata ni Ezekon. His gold-colored eyes are so mesmerizing.

"Madam."

Nang marinig ko ang boses ni Ezekon ay agad akong natauhan. Hindi ako nag-iwas ng tingin sa kaniya. Inangat ko ang aking kamay at kinapa ko ang braso niya. 

Nagpanggap akong hindi ko siya nakikita.

"You're here. Since when?"

"Still acting? I already took my good night kiss. Close your eyes and sleep."

"Fine. I just did not expect you to be here. I'm a bit shy so I pretended to be asleep."

Agad akong pumikit ng marinig ko ang sinabi ni Ezekon. Halos magpasalamat ako dahil hindi ko na kailangan umarteng wala siya sa harap ko kahit alam kong nakatitig din siya sa akin.

"I just suddenly realized, you look beautiful with your eyes open and with your eyes closed."

"Thank you for the compliment, my dear husband. But it's still better if I can also compliment you back with the truth. It's a shame that I can't see you. However, from the bottom of my heart I know you are a handsome man," malambing kong saad bago ko mahigpit na niyakap si Ezekon.

Wow, his body is so hard and full of muscles.

"Is my wife being sarcastic again? I noticed that every time you speak, you sounds so sarcastic that I'm not sure if you are joking with me or being completely serious."

Hindi ko napigilan na magmulat ng mata. Tumingin lang ako ng diretso sa labi ni Ezekon. Hindi ako nag-angat ng tingin o kung ano man dahil baka mahalata niya ako.

"My dear husband, this time. I am really serious. In my heart you are so handsome."

I already saw your face. I know you're handsome as fuck.

"Okay, let's sleep."

---

Akala ko ay hindi ako makakatulog knowing na nasa tabi ko si Ezekon. Lalo na dahil ramdam ko sobra ang presensya niya. Siguro dahil matutulog kami kaya hindi na niya inabalang itago ang presensya niya sa akin.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon