KABANATA 40

21.1K 790 41
                                    

Kabanata 40. 

Bumalik kami ni Ezekon sa may mansion. Agad kong nakita si Erida sa may front door na nag-aabang. Tsaka ko lang din naalala na may gusto nga pala akong sabihin kay Ezekon.

Naglakad kami papasok sa mansion. Agad na lumipad si Koco patungo kay Erida. Lagi siyang lumalayo sa akin kapag katabi ko si Ezekon. Alam kong ayaw niyang maging roasted crow.

"Madam," bati sa akin ni Erida.

"I just went out for a while," nakangiti kong pahayag. Nakita ko naman na nakahinga ng maluwag si Erida.

Mukhang kanina pa talaga niya ako hinahanap sa loob ng mansion.

"Play with Koco. I'll go with my husband upstairs."

Hinawakan ko ang braso ni Ezekon. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at saktong nagtama ang tingin namin dalawa. Malambing ko lang nginitian si Ezekon.

Nagpatuloy na kaming maglakad patungo sa bedroom namin dito sa mansion.

Nang makapasok kami ay agad akong hinalikan ni Ezekon. Mahina akong tumawa ng lumayo siya sa akin.

"Are you hungry, husband?" Nakangising tanong ko sa kaniya bago ko hinawakan ang kaniyang leeg.

"Why, Madam? Are you willing to serve your body on my table?"

"I'm willing, but not right now. Maybe next time?" Malambing kong pahayag sa kaniya.

Mahigpit akong niyakap ni Ezekon ng ilang minuto bago niya ako pinakawalan.

Nang makawala ako sa kaniya ay naglakad ako patungo sa may sofa. Naupo ako don at tumabi naman siya sa akin.

So clingy.

Malambing kong tiningnan si Ezekon bago ko hinawakan ang kamay niya.

"When are we going back to Amaris City?" Malambing kong tanong sa aking asawa.

Hinawakan ni Ezekon ang dulo ng buhok ko at pinaglaruan niya iyon.

"Tomorrow. Madam wants to go home badly?" Nakangisi niyang tanong sa akin.

Tinitigan ko si Ezekon bago ako kumurap.

"That's not your home."

Nag-angat sa akin ng tingin si Ezekon matapos kong magsalita.

Binitawan niya ang buhok ko at inilipat niya ang kaniyang kamay sa aking pisnge. Hinawakan niya iyon.

"Madam is right. Varyntian mansion is not our home. It's in Northern Winterland."

Malawak akong napangiti sa sinabi ni Ezekon. Tumango ako sa kaniya.

"But why are you eager to go back to Varyntian mansion, Madam?"

"Because I badly want to see Onca, Leo and Tigris again." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

Tumaas ang isang makapal na kilay ni Ezekon bago niya mahigpit na pinisil ang aking pisnge. Mahina akong natawa.

"Who are they?" Nakangising tanong niya sa akin.

"Your pets. The jaguar, lion and tiger. I named them. Do you like it?" Malambing kong tanong sa kaniya.

Binitawan ni Ezekon ang aking pisnge. Hinigit niya ako palapit sa kaniya hanggang sa makaupo ako sa lap niya.

"Oh... you named them without my permission?"

Hindi nawala ang ngiti sa labi ko.

"Well, do I need your permission first?" Balik kong tanong sa kaniya. Pinagtaasan ko din siya ng kilay.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon