KABANATA 15

24.6K 976 203
                                    

Kabanata 15.

Hindi ko masyadong inisip kung bakit si Haren mismo ang sumundo sa akin pabalik ng Varyntian mansion. Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa ni Erida.

Hindi nakasakay si Haren sa may loob ng carriage. Nakasunod lang siya sa likod habang sakay ng kaniyang kabayo.

Ngayon ko lang din napansin, matapos kong pagmasdan si Erida, na hindi siya nag-aangat ng tingin sa akin. Katulad ni Haren, hindi siya tumitingin ng diretso sa mga mata ko.

Siguro dahil wala akong suot na blindfold kaya ngayon ko lang napansin ang bagay na iyon. Hindi ko masyadong pansin ang maraming bagay kapag may suot akong blindfold.

Kaya habang nasa byahe ay malaya akong nakapagmasid sa labas dahil hindi nakatuon ang atensyon ni Erida sa akin o hindi siya nakatingin sa mga mata ko.

Nang tumigil ang carriage ay tsaka ko lang muli binalik ang blanko kong tingin sa kawalan. Inalalayan akong bumaba ni Erida.

Nang makababa ako ay agad niya akong binitawan.

Wala sa sariling napigil ko naman ang aking paghinga ng makita ko si Ezekon sa aking harapan.

This time, kitang-kita ko na ng malinaw ang mukha niya. May isang metro ang pagitan namin dalawa sa isa't isa.

Napalunok ako. Hindi ko magawang i-galaw ang mga mata ko dahil sa oras na gawin ko 'yon ay mahuhuli niya ako lalo na dahil sobrang liwanag pa. Hapon pa lang at matagal pa bago magdilim.

Kinalma ko ang aking sarili bago ako malambing na ngumiti. Pinagpatuloy ko ang blanko kong tingin sa hangin.

"Husband, I can smell you. You are here, right?" Malambing kong saad bago ako humakbang patungo sa kaniya.

Now that I can see his face clearly, I realized that he's much more handsome that I thought. The last time I saw his face was late at night.

His golden colored eyes are so mesmerizing and hypnotizing but his eyes looks so fierce. He has a very dark eyebrows, Tall nose and not-so thin and not-so thick lips. How many times I've kissed those lips. I know it taste sweet.

His neck, like what I saw that night, has a tattoo. Like his arm, it's also full of different kinds of lines. It's like a piece of art.

So attractive.

Nablanko talaga ang tingin ko dahil kay Ezekon. Hindi ko din namalayan na sobrang lapit ko na sa kaniya. Hindi ko agad natigil ang hakbang ko kaya nabangga ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Natapakan ko rin ang paa niya.

"Oh, my bad." Wala sa sariling saad ko. Nawala talaga ako sa sarili ng ilang segundo dahil sa kaniya.

Niyakap ni Ezekon ang bewang ko. Sobrang tangkad niya. Kung alam ko lang na mangyayari 'to ay dapat pala may heels ang sinuot kong sapatos ngayon.

Akala siguro ni Erida na makikipaglaro talaga ako sa mga bata kaya walang heels ang pinasuot niya sa akin. Sa susunod ay lagi na akong maghiheels para kahit papaano ay umabot man lang sa leeg niya ang height ko.

"Madam, I heard you had an accident."

Ngumiti ako bago ko niyakap pabalik si Ezekon.

"My husband is worried about me. I'm happy."

"Really? How happy are you?" tanong nito sa akin.

"So happy that I want to kiss you," pagbibiro ko sa kaniya.

Narinig ko ang malalim niyang tawa bago niya pinisil ang bewang ko. 

"Okay, let's go in."

Hinawakan ni Ezekon ang aking kamay bago kami naglakad papasok ng mansion.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon