KABANATA 27

21.7K 957 337
                                    

Kabanata 27.

Lerino Kalranza. I knew there's something special about him.

Hindi ako magsasayang ng oras sa kaniya kung hindi ko naramdaman na may kakaiba sa kaniya. Noong marinig ko ang tungkol sa kaniya ay naghinala na talaga ako.

Tinitigan ko ang lalaking walang malay.

Apparently, he's my eldest brother.

Wala akong magandang experience sa aking pamilya. Mukhang ganon din siya.

Inangat kong muli ang aking tingin sa mga white tube. Nakabaon iyon sa katawan ni Lerino.

"Madam, ano pong balak niyong gawin?" Tanong sa akin ni Erida.

Malambing akong ngumiti sa tanong ni Erida.

"He's my brother. I want to take him away from this place."

Tumingin akong muli sa mga tube na sumisipsip sa dugo ni Lerino. Kung hindi ako nagkakamali ay ang dugo niya ang special sa kaniya.

Inangat ko ang aking kamay patungo sa isang tube. Naramdaman kong mainit iyon.

Ngumisi ako bago ko hinigit paalis iyon sa katawan ni Lerino. Hindi ako tumigil. Lahat ng mga tube na nakakabit sa katawan niya ay inalis ko rin.

Nang matanggal ko lahat ay muli kong binalingan ng tingin si Lerino upang sana ay pagalingin siya ngunit natigilan ako.

Maging si Erida, Sero at Mirben din ay napatitig sa katawan ni Sero ng kusang magsara lahat ng butas sa katawan nito.

Sobrang bilis nawala ng butas sa katawan niya na kung hindi namin alam iyon ay baka isipin namin na namamalikmata lang kami.

Napatitig ako kay Lerino. Ibig bang sabihin non ay meron kaming parehas na abilidad?

"Sero, ikaw na ang bahalang magbuhat kay Lerino."

"Yes, Madam. Masusunod po."

Nang mabuhat ni Sero si Lerino ay naglakad na kami palabas ng chamber at ng basement.

Hindi kami umakyat sa bakod. Dumaan kami mismo sa may gate ng Kalranza residence. Wala kaming nakita na kahit na sino.

Maging ang anino ng dalawang guard ay hindi namin nakita.

Nang makarating kami sa carriage ay agad na isinakay ni Sero si Lerino. Tumabi din siya dito bago kami sumakay ni Erida.

Si Mirben naman ang nagpaandar ng carriage.

Hindi ako umimik ng magsimulang umandar ang carriage. Tinitigan ko lang si Lerino na nasa aking harapan.

Binalutan siya ng cloak ni Sero kanina bago niya ito buhatin.

Sobrang payat ni Lerino. Hindi ko alam kung paano siya nabuhay ng walang kinakain dahil isang buwan na sarado ang secret chamber.

Siguro dahil sa abilidad niya.

Kung iisipin mabuti, ganon din ako. Siguro ay masyado lang talaga kaming mahirap patayin.

Pero mukhang walang balak na patayin ni ama si Lerino. Siguro ay balak nilang kuhanan ng dugo si Lerino habang buhay.

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit pa nila iyon kailangan gawin. Anong meron sa dugo ni Lerino na handa nila itong ikulong para lang hindi siya makatakas.

Nakakapagtaka.

Ano ang kailangan nila sa dugo ni Lerino.

Nang maalala ko ang mga tubes at ang dugo ni Lerino na hinihigop non ay hindi ko maiwasan na isipin ang isang bagay.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon