KABANATA 21

22.6K 958 184
                                    

Kabanata 21.

Nang malaman ko kung anong ginagawa ni Larrion at Sianara ay hindi ko mapigilan na hindi matuwa. Dahil sa kanila, may natutunan ako.

Maliban pa don, sigurado akong wala silang magiging happy ending.

Wala akong pake kung may gusto sila sa isa't isa o wala. Ang mahalaga ay wala rin patutunguhan ang relasyon nila.

Bukod don, hindi rin magtatagal ay mamamatay din si Larrion. Hinding-hindi ko siya hahayaan na mabuhay. Sa ngayon ay magsaya na siya hanggang sa kaya niya.

Hapon na noong kinatok ako ni Erida. Saglit lang din akong nakatulog kanina.

"Madam, ready na ba ulit kayong bumyahe?" Tanong sa akin ni Erida. Tumango ako.

"Let's go," usal ko.

Si Koco ay nakatuntong lang sa aking balikat. Bumalik siya noong ako ay natutulog. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta noong hinagis ko siya kanina.

Nang bumaba kami ay hindi ko nakasalubong si Larrion at Sianara. Mukhang wala pa silang balak na umalis dito. Siguro ay ipagpapatuloy pa nila yung ginagawa nila mamayang gabi. Sayang lang at hindi ko na maririnig ang mga dapat sabihin kapag ginagawa ang bagay na iyon.

Mukhang aasa nalang ako sa aking sariling vocabulary sa oras na gawin namin iyon ni Ezekon.

Sumakay na kami sa carriage ni Erida at nagsimula na ulit kaming bumyahe.

Nang sumapit ang gabi ay tumigil ang carriage sa Eronin City. Dito kami mag-iistay ngayon gabi.

Ang una kong napansin noong pagbaba ko ay ang tahimik na paligid. Sa sobrang tahimik ay pakiramdam ko kami lang nina Erida ang nandito ngayon.

Naglakad kami patungo sa may hotel na tutuluyan namin. Nang pumasok kami ay tsaka lang ako nakakita ng ibang tao.

Napaisip ako kung gabing-gabi na ba ang ganitong oras sa kanila kaya walang tao sa labas. Nagkibit balikat nalang ako.

Hinatid akong muli ni Erida sa kwartong tutuluyan ko. Nang makalabas si Erida ay nagtungo ako sa may kama.

Niyakap ko si Koco.

Hindi pa ako inaantok dahil hindi pa naman gabing-gabi. Masyado pang maaga para matulog.

Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok sa pinto ng silid ko.

"Madam," tawag ni Erida sa akin.

"Come in," usal ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si Erida.

"What is it?" Tanong ko sa kaniya.

"Madam, do you need something? Are you thirsty?" tanong niya sa akin.

Umiling ako.

Tiningnan ko si Erida bago ko pinisil ang pakpak ni Koco.

"It's so quiet here. What's wrong with this city?" Tanong ko kay Erida. Nang magsawa ako sa paghawak sa pakpak ni Koco ay binitawan ko na siya.

Inilapag ko si Koco sa may kama bago ako naglakad patungo sa may bintana. Hinawi ko pabukas ang kurtina bago ko pinagmasdan ang labas.

"Madam, ayon po sa pagkaka-alam ko. May nakatira po ditong nakakatakot na nilalang. Madami pong local citizen ng Eronin City ang umalis sa lugar na 'to matapos pong sakupin ni Master Ezekon ang lugar na 'to. Wala na pong nagtangkang bumalik dahil sa kumalat ang balita na may iniwang mapanganib na nilalang dito si Master Ezekon," pagkukwento sa akin ni Erida.

Napahawak ako sa aking labi bago ako napangiti. Saglit kong nilingon si Erida na nakatayo pa rin hanggang ngayon sa harap ng pinto.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa labas ng bintana bago ako mahinang natawa.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon