KABANATA 32

21.6K 788 127
                                    

Kabanata 32.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Inis na lumabas si Larrion Kalranza sa carriage na sinasakyan niya.

"Why are we stuck here?" Singhal ni Larrion sa coachman na nakatayo sa gilid ng carriage.

"Young master, hindi ko po alam kung ano ang nangyayari. Hindi rin po nausad ang mga carriage na nauuna sa atin," natatarantang sagot ng matandang coachman.

Napapunas pa ito sa kaniyang noo dahil sa takot na baka bigla siyang suntukin at pagbuhatan ng kamay ng young master na nasa harapan niya. Alam niya kung gaano kaikli ang pasensiya nito.

Hindi nga siya nagkamali dahil agad na sinipa ni Larrion Kalranza ang kaniyang binti.

"Wala ka bang utak o ano? Tingnan mo kung anong nangyayari at magtanong ka sa mga nauuna sa atin. Baka sakaling alam nila. Gamitin mo din 'yang utak mo!" Lintanya ni Larrion Kalranza.

Walang nagawa ang coachman kundi ang maglakad at lumapit sa coachman ng carriage na nauuna sa kanila.

"Pwede ba magtanong, alam mo ba kung bakit hindi pa nausad ang pila?" Tanong ng coachman ni Larrion.

Umiling ang coachman na pinagtanungan niya.

"Naku, hindi ko rin alam. Pero may narinig ako kanina mula sa isang lalaking dumaan. Hindi ko lang alam kung totoo ba o hindi. Narinig ko lang na nakasara ang gate ng Sakria City at mukhang hindi magpapasok ng kahit na sino ang Kalranza family."

"Sige, salamat."

Nang makakuha ng sagot ang coachman ay mabilis siyang bumalik sa tapat ng carriage ng Kalranza family.

"Young Master, mukhang nakasara ang gate at hindi nagpapapasok ng kahit na sino ang Kalranza family."

Magkasalubong ang kilay na tiningnan ni Larrion ang coachman sa kaniyang harapan.

Napasabunot sa buhok si Larrion Kalranza. Kanina pa siya inip na inip. Akala niya lang ay malayo pa sila ngunit ng mapansin niyang matagal na tumigil ang carriage ay tsaka niya lang naisipan na silipin kung nasaan sila.

Nang makita niyang malapit na sila sa gate ng Sakria City ay naupo nalang siya ulit. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay tsaka niya lang napansin na hindi umaandar ang carriage.

"Nakasara? Paandarin mo ang carriage. Lampasan mo ang mga nauna sa atin. Isa pa, bakit ka ba nakikipila sa kanila. Nakalimutan mo na bang sa Kalranza family ang carriage na pinapaandar mo?"

Muling sumakay si Larrion Kalranza sa carriage.

Wala naman nagawa ang coachman kundi ang paandarin muli ang carriage. Katulad ng utos ni Larrion ay nilampasan niya ang mga naunang carriage sa kaniya.

Kaya hindi niya naisip gawin iyon kanina ay dahil akala niya ay mabilis lang nauusad ang pila. Ngunit ng mapansin niya na hindi nagalaw ang pila ay nawala sa isip niya na si Larrion Kalranza ang nasa loob ng carriage at sa Kalranza family ang carriage na sinasakyan niya.







Sa kabilang banda ay hindi na mapakali si Teresa. Hindi niya inaasahan na ganito ang maabutan niya pag punta niya sa Sakria City. Kahit ayaw niyang tumapak sa Sakria City ay pinilit niyang bumyahe dahil alam niyang Kalranza family lang ang makakatulong para mapagaling ang pamangkin niya.

Kanina pa siyang naghihintay na umusad ang pila pero walang pagbabago na para bang walang balak na gumalaw ang pila.

Dahil sa kaba ay hindi na niya mapigilan na kagatin ang kuko niya. Ilang beses na niyang sinilip kung anong meron. Gusto sana niyang maglakad papunta sa iba pang carriage ngunit hindi niya maiwan ang taong nasa loob ng carriage nila.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon