KABANATA 37

20.2K 969 174
                                    

Kabanata 37. 

Nang makapasok kami sa loob ng mansion ay nakita kong tumatakbo papalapit samin si Erida. Tsaka lang ito tumigil ng makalapit na siya. Hindi ko pinansin si Erida. Lumingon ako sa paligid bago ko inilibot ang aking paningin.

"Where's Koco?" Tanong ko kay Ezekon.

Inayos ni Ezekon ang pagbuhat sa akin. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nakasunod naman sa amin si Erida.

"I don't know. Why? You miss him?"

Hinalikan ko sa pisnge si Ezekon bago ako bumulong sa kaniya.

"If I say yes, what will you do?"

Malamin na tumawa si Ezekon.

"Have you ever eaten a roasted crow, Madam?"

Poor Koco.

I've never eaten a roasted crow before. Should I ask Ezekon to roast a crow for me?

Bago pa man ako makasagot ay nakita kong lumipad si Koco palapit sa amin. Malambing ko siyang nginitian. Hindi siya lumapit sa akin o kay Ezekon.

Bumaba siya sa ulo ni Erida.

Alam ko rin na hindi magtatangkang lumapit si Koco sa akin dahil buhat-buhat ako ni Ezekon. Alam ni Koco na pagbabantaan na naman siya ng aking asawa kapag lumapit siya sa amin.

Nang makarating kami sa second floor ng mansion ay agad nagtungo si Ezekon sa isang bedroom.

Binaba niya ako sa kama.

Binuksan naman ni Erida ang mga ilaw.

"Stay here," utos sa akin ni Ezekon.

Dahil mabait akong asawa ay agad akong tumango.

Nang makalabas si Ezekon sa bedroom na 'to ay agad lumipad palapit sa akin si Koco. Agad ko siyang sinalo.

Malambing akong ngumiti.

"I almost lost you, Koco. My husband wanted to roast you. You should be careful." Pahayag ko kay Koco.

Hindi nagbigay ng response si Koco. Tinitigan niya lang ako bago niya tinagilid ang ulo niya.

Siguro sinasabi niyang alam niya na gusto siyang iluto ni Ezekon matagal na. Kaya siguro takot na takot si Koco sa aking harmless na asawa.

"Madam, may sasabihin po ako sa inyo."

Lumapit rin sa akin si Erida. Nakangiting bumaling ako sa kaniya.

"Ano yon?" Malambing kong taong kay Erida.

"Madam, noong wala po kayong malay ay muntik ng mapatay ni Master Ezekon ang kapatid niyo pong si Lerino. Muntik na rin po akong madamay. Buti po ay nagmakaawa agad ako kay Master Ezekon na huwag niya akong patayin." Pagkukwento sa akin ni Erida.

Mahina akong tumawa bago ko hinaplos ang ulo ni Koco.

"Erida, hindi ka ba natatakot na baka magsumbong si Koco kay Ezekon na kinukwento mo siya sa akin?" Natatawang tanong ko kay Erida.

Tumingin si Erida kay Koco.

Nanliit ang mata ni Erida bago siya nagsalita.

"Madam, kapag po sinumbong ako ni Koco ay patawarin niyo po ako kapag po sinabit ko ng patiwarik si Koco sa loob ng fireplace." Matapang na saad ni Erida.

Lumawak ang ngiti sa labi ko.

"Pero bakit hindi tinuloy ni Ezekon na patayin si Lerino? Hindi naman ako magagalit sa kaniya kapag ginawa niya iyon."

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon