KABANATA 20

24K 1K 237
                                    

Kabanata 20.

Nang magsawa ako sa pagtingin sa labas ay naisipan ko nalang na matulog. Nagising lang ako ng makaramdam ako ng gutom.

"I'm hungry, Erida." Pahayag ko.

Nilingon ko si Koco na nakaupo sa aking tabi. Ngumiti ako bago ko hinawakan ang kaniyang katawan.

"Here, Madam. The cookies and sandwich are still fresh."

May wooden box na ipinatong si Erida sa kaniyang hita. May laman iyong mga cookies, sandwich, grapes at apples.

Kumuha ako ng sandwich.

Hindi kami dideretso sa Sakria City dahil hindi ako komportable sa pagbyahe ng buong araw. Nagawa ko lang bumyahe ng buong araw noong una kong punta sa Amaris City dahil hindi kami pwedeng tumigil.

Wala akong baon na pagkain noon at wala din akong dalang kahit na anong pera sa akin. Wala kaming matutuluyan na inn o kahit na ano. Bukod don, mahigpit din na binalaan ni ama ang coachman na huwag titigil hangga't hindi kami nakakarating sa Amaris City. Alam kong takot si ama na baka makatakas ako noon.

Siguro maswerte din ako na hindi ko naisipan na tumakas noon habang nasa byahe kami. Siguro dahil natanggap ko rin agad ang bagay na pinatapon ako ni ama sa ibang lugar para mamatay.

Unfortunately, hindi ako pinatay ni Ezekon.

Nang matapos kong kainin ang sandwich ay inabutan pa ako ni Erida ng mga cookies. Binigyan ko rin si Koco dahil baka gutom na rin siya.

Napatingin ako kay Erida ng may maalala ako bigla.

"Magkakilala kayo ni Sarrin?" tanong ko sa kaniya.

"Yes, Madam."

Tinitigan ko pa si Erida. Sa totoo lang, wala masyadong espesyal sa kaniyang itsura. Kung hindi ko siya isang personal maid ay baka limot ko na ang pangalan niya ngayon.

Siya yung tipo na hindi mo matatandaan sa unang tingin o kahit sa pangalawa o pangatlong tingin. Siguro dahil masyadong common ang mukha niya.

Ang kakaiba lang sa kaniya ay madalas masyado siyang expressive. Hindi rin siya marunong magtago ng kaba na tipong kahit ang taong nakatingin lang sa kaniya ay kakabahan rin.

Akala ko noong una ay bago lang siya sa Varyntian mansion. Sobrang clumsy niya noong una kaming magkakilala. Pero mukhang matagal na siyang nagtatrabaho kay Ezekon.

"Matagal ka ng nagtatrabaho sa Varyntian Mansion?" Tanong ko sa kaniya.

Napakamot sa ulo si Erida. Para bang hindi siya sigurado sa kaniyang isasagot.

"Matagal na po akong nagtatrabaho para kay Master Ezekon. Pero hindi po ako isang personal maid dati.  Wala po ako lagi sa Varyntian Mansion dahil hindi rin po kami pwedeng pumasok doon kapag hindi kami pinapatawag ni Master Ezekon. Si Haren at Jenov lang po ang pwedeng makapasok kahit walang permission ni Master Ezekon."

Napatango ako sa sagot ni Erida sa akin.

"Anong trabaho mo dati?" tanong ko sa kaniya.

Hindi na nakakagulat kung bakit sobrang clumsy niya noon at mukhang sobrang kabado. First time niya palang maging isang personal maid.

Hindi ko alam kung bakit siya ang napili bilang personal maid ko.

Hindi ako nagrereklamo. Nagtataka lang talaga ako.

Pinaglaruan ko ang feathers ni Koco habang naghihintay ng sagot mula kay Erida.

"Isa po ako sa mga lower rank dragon. Dahil po maliit lang ang true form ko ay naka-assign lang po ako sa pagpapakain sa mga ice-bears sa Northern Winterland. Kaya po ako napili bilang isang personal maid kasi po hindi ko pa nararanasan na mag-transform bilang isang lalaki."

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon