KABANATA 24

20.8K 871 113
                                    

Kabanata 24.

Tumingin ako ng diretso kay Marisa.

"Right, it's a pity."

Tinanggal ko sa labi ko ang aking ngisi bago ako sumimangot.

"He kicked me out, Marisa."

Napakurap si Marisa bago nanlaki ang mata niya.

"No wonder! Hindi na nakakagulat kung bakit bigla kang bumalik sa Sakria City. Tsk. Ramdam ko na iyon noong una palang. Sino bang lalaki ang magkakagusto sa isang katulad mo, Lady Larika. Bukod sa hindi ka nakakakita ay wala ka pang alam sa kahit anong bagay. Mas magaling pa ako sa'yo. Nakakaawa ka."

Tumango ako.

"Nakakaawa talaga ako. Wala siyang binigay sa akin kundi puro gold coins, puro pera. Hindi ko gustong yumaman pero napilitan ako dahil sa mga binigay sa akin ni Ezekon Varyntian," walang-buhay kong saad.

Bigla naman natahimik si Marisa sa aking harapan.

"Marisa, hindi ko rin sigurado kung tatanggapin pa ako ni ama at ina. Kilala mo naman yung dalawa. Wala silang pake sa akin. Binalaan na din ako ni ama na bawal na akong bumalik sa Kalranza family sa oras na itaboy ako ng aking asawa."

Yumuko ko ako.

"Ano na ang dapat kong gawin, Marisa?" Muli akong nag-angat ng tingin.

Saktong nakita ko ang kalkuladong tingin ni Marisa.

"Huwag kang mag-alala, Lady Larika. Tutulungan kita. Papalaguin natin ng marami 'yang perang binigay sayo."

"Talaga, Marisa. Tutulungan mo ako?" Masaya kong tanong.

"Oo, sa abot ng makakakaya ko. Tara subukan natin ngayon. May mabilis na paraan para lumago ang pera," masiglang saad niya bago niya ako hinigit patayo.

"Sige, Marisa. Huwag mo din kalimutan yung pinabalot mong mga pagkain," paalala ko sa kaniya.

"Huwag na natin 'yon dalhin. Pwede naman tayo bumili mamaya ng mas masarap at mas mahal na pagkain, Lady Larika."

"Okay," nakangiti kong sagot.

Nang makalabas kami sa restaurant ay agad kaming naglakad ni Marisa. Kahit hindi ko itanong ay alam ko na agad kung saan kami pupunta.

Sa gambling house. Mahilig si Marisa na pumunta sa lugar na iyon. Ilang beses ko siyang narinig na magreklamo dati dahil natalo na naman siya sa sugal.

Inilibot ko lang ang aking paningin. Nakakalayo na kami ni Marisa pero wala pa rin akong makitang kahit na anong pwedeng gawing props sa aming role play.

Tahimik na nagpahigit na lang ako kay Marisa.

Tumingin ako ng deretso sa daan.

Nagliwanag ang mata ko ng dumaan kami sa may makitid na eskinita.

Nakailang liko kami ni Marisa nang may makita akong basag na mga bote sa isang gilid sa hindi kalayuan. Madadaanan namin iyon. Sobrang dami non at magkakapatong pa. Basta nalang iyon nakalagay sa isang tabi at medyo kumikinang din ang matulis na dulo ng mga basag na bote.

Nilingon ko ang masayang si Marisa bago ako malambing na ngumiti.

Muli akong tumingin sa harap. Nang makita kong malapit na kami sa mga babasaging bote ay mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

Nang humakbang muli ako ay pinagkrus ko ang aking paa.

"Ahhhhh!"

"Marisa!" Sigaw ko ng bigla kaming matumba.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon