KABANATA 18

22.4K 1.2K 328
                                    

Kabanata 18.

"Master, Madam. The lion and the jaguar suddenly ran out when I was feeding the anaconda," paliwanag ni Butler Morki habang naglalakad kami ni Ezekon patungo sa kulungan ng kaniyang mga alaga.

Kung hindi ako nagkakamali ang mga alaga ni Ezekon ay isang anaconda, tatlong hyenas, limang fox, limang wolves, isang tiger, isang jaguar, isang lion at tatlong grizzly. Iyong mga yon ang nasa Varyntian mansion.

Iyon yung sinabi sa akin ni Erida noong tinanong ko siya tungkol sa mga alaga ni Ezekon. Hindi ko nagawang libutin ang buong jungle noong gabing nagpunta ako sa likod ng Varyntian Mansion. Iyon din ang lugar kung saan nakakulong ang mga alaga ni Ezekon. Hindi ko rin nagawang makita kung saan nagtatago ang mga grizzly at hyenas.

Dumaan kami sa may garden bago kami nakarating sa may kulungan ng mga alaga niya.

Kahit nakasuot ako ng blindfold ay pansin ko ang sirang gate na mukhang sinira ng lion o ng jaguar.

"Looks like they want to play outside," seryosong saad ni Ezekon.

"Wife, do you want to go out or should I let Haren and the rest find those two little cats?" Baling niya sa akin.

"I can find them. I have a strong sense of smell," usal ko kay Ezekon.

"Madam knows their smell?" Tanong niya bigla sa akin kaya agad akong natigilan.

Mahina akong tumawa.

"Yes, I visited them last time."

"Hm, and when was that?"

Malambing akong ngumiti bago ko pinisil ang kaniyang kamay na hawak ko.

"I don't remember. I am quite forgetful."

"Madam is still young but already forgetful. Fine, let's find those two. I will punish them later for disturbing us."

Ngumiti lang ako bago ako naglakad. Hindi binitawan ni Ezekon ang aking kamay.

Naglakad kami ni Ezekon patungo sa may harap ng mansion. Malayo pa ang inikot namin para makarating sa may courtyard.

Hawak ko sa isang kamay ang aking cane at sa kabila ay ang kamay ni Ezekon. Kaya naman ng makita ko si Koco na lumipad palapit sa amin ay hindi ko siya nagawang hawakan kaya sumampa nalang siya sa aking balikat.

Hindi ko nilingon si Koco. Hinayaan ko lang din siyang magstay sa aking balikat.

Nang makarating kami sa may courtyard ay sinalubong kami ni Jenov at Haren. Bukod sa kanilang dalawa ay may kasama pa silang iba na hindi ko kilala.

"Master Ezekon, we can't catch them. They are outside. We tried to subdue the jaguar first but it ran away so fast," saad ni Haren.

"Erida, Sarrin, lead Madam outside. Protect her."

"Yes, Master!" Masayang sagot ng isang babae.

Lumapit ito sa akin bago hinawakan ang aking braso.

"You're too close to Madam, Sarrin. Who do you think you are?" Sita ni Erida kay Sarrin.

"What's wrong? I'm a girl right now," tugon ni Sarrin kay Erida.

"Don't forget, Master Ezekon is still here."

Naramdaman ko agad ang pagkatense ng katawan ni Sarrin matapos magsalita ni Erida. Pinigilan kong lingunin ang katabi kong si Ezekon.

Mukhang takot talaga sa kaniya ang kaniyang mga underlings. Akala ko ay iba ang babaeng si Sarrin ngunit mukhang medyo makulit lang talaga siya.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon