KABANATA 41

20.7K 936 83
                                    

Kabanata 41.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa halik ni Ezekon. Pinakawalan niya lang ang labi ko ng hindi na ako makahinga.

"Good morning, Madam." Nakangiti nitong bati sa akin. Malambing ko siyang nginitian bago ko nilapit ang aking mukha sa kaniya.

Nang makalapit ako ay agad kong kinagat ng madiin ang kaniyang panga hanggang sa dumugo iyon.

Nang malasan ko ang dugo ay tsaka lang ako lumayo sa kaniya.

"Good morning to you too, Master Ezekon."

"Madam, you're being playful again."

Mahina akong tumawa bago ako bumangon. Naupo rin sa kama si Ezekon.

"Let's get ready. We're going back today," pahayag niya sa akin. Masaya akong tumango.

Nauna akong maligo kay Ezekon bago siya sumunod. Nang makalabas ako ng bathroom ay agad akong binati ni Erida na naghihintay sa akin para bihisan at ayusan ako ng buhok.

Nagtungo ako sa may harap ng salamin. Sinuot ko ang hinandang dress sa akin ni Erida bago ako naupo sa harap ng vanity mirror.

"Madam, bakit hindi niyo po ako sinama kahapon noong nagpunta kang city plaza? Ngayon ko lang po naalala na itanong dahil nakasalubong ko kanina si Sarrin."

Nakasimangot na pahayag ni Erida. Tiningnan ko siya mula sa reflection sa salamin.

"Hindi ka agad sumunod sa akin kaya hindi kita naisama. Buti si Koco ay agad akong sinundan." Nakangiti kong tugon sa kaniya.

Bumuntong hininga si Erida.

"Kasi po kinailangan ko pang ibalik yung plates at mga natirang snack sa kusina." Nakasimangot nitong pahayag.

Hindi nawala ang ngiti sa labi ko.

"May nalaman pala ako tungkol sayo, Erida."

Kita ko mula sa repleksyon niya na napakurap siya bago siya nagsalita.

"Ano po iyon, Madam? Hindi po ba maganda?" Tanong nito sa akin.

"Nalaman ko na dahil isa kang low-rank level ay wala kang gender at hindi ka makakapagreproduce kahit gustuhin mo. Tama ba?"

Mabilis na tumango si Erida.

"Opo, Madam. Tama po kayo. Pero sino po nagsabi sa inyo, Madam?" Tanong nito sa akin.

Magsasalita na sana ako ngunit agad din nagsalita muli si Erida.

"Madam! Alam niyo na po ang tungkol sa bagay na mga dragons po kami?" Gulat nitong tanong at napatigil din siya sa kaniyang pag-aayos ng aking buhok.

Pinagmasdan ko ang gulat na si Erida.

Mukhang nakalimutan din niya yata na kagabi ay pinag-usapan pa namin ang tungkol sa batang dragon na naiwan nina Haren dito sa Andaro City. Hindi ko alam na makakalimutan pala si Erida.

Sa pagkakaalam ko ay mataas ang memorya ng mga dragons at mas mature din sila kumpara sa mga tao. Pero dahil siguro sanay na ako sa kanila ay pansin kong hindi naman sila ganon kamature. Tama lang siguro sa edad nila kahit hindi ako sigurado kung ilan taon na ba sila.

"Bakit gulat ka? Hindi ba ikaw mismo ang nagsabi non sa akin noong nasa carriage tayo?" Natatawa kong pahayag kay Erida.

Nanlaki ang mata niya na para bang may naalala siya bigla. Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Erida.

"Pero Madam, akala ko ba ay hindi niyo ako narinig noon?" Hindi makapaniwalang tanong niya pa sa akin.

"Naniwala ka talaga sa akin noong sinabi ko iyon?" Tanong ko sa kaniya pabalik.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon