KABANATA 34

20.2K 749 119
                                    

Kabanata 34.  

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nang makarating si Larrion sa Kalranza mansion ay agad siyang nagtungo sa office ng kaniyang ama na si Lambert Kalranza.

Kumatok siya sa pinto bago siya pumasok. Isang lumulipad na flower vase ang bumungad sa kaniya. Wala sa sariling iniwasan iyon ng gulat na si Larrion.

Gulat siyang napatingin sa kaniyang ama.

"Father, what's wrong with you?" Hindi makapaniwalang tanong ni Larrion.

Napatigil siya bago niya inilibot ang paningin sa loob ng office ng ama niya. Ngayon niya lang napansin ang kalat sa loob ng silid na kinatatayuan niya ngayon. Madaming mga basag na bagay at mga papel na nagkalat sa sahig. Para bang binagyo sa kalat ang loob ng office ng ama niya.

Natahimik si Larrion. Agad siyang kumalma dahil sa nadatnan niya. Ang galit na kanina niya pa kinikimkim ay para bang natangay ng hangin. Bigla iyon naglaho. Naramdaman niya ang kakaiba at hindi magandang atmospshere sa paligid.

Kakabalik niya lang at wala siyang kahit na anong ideya sa kung anong nangyayari.

"Where have you been?" Mariin na tanong ni Lambert Kalranza sa kaniyang anak.

Napalunok si Larrion bago ito nakapamot sa kaniyang ulo.

"I went to Ender City. I just went there to stroll around."

Hindi tumingin si Larrion ng diretso sa mata ng kaniyang ama. Totoo na nagpunta siya sa Ender City at totoo rin na naglibot siya doon. Yun nga lang ay hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Sianara Ravella na anak ng Ravella Family mula sa Samdran City.

Alam ni Larrion na walang patutunguhan ang relasyon nila ni Sianara Ravella. Wala siyang pake sa bagay na iyon. Magsasaya siya sa labas ng Sakria City hangga't hindi nalalaman ng ama niya ang ginagawa niya sa labas ng city.

Kahit wala siyang healing ability ay may dugo pa rin siya ng Kalranza. Balak ng ama niya na ipakasal siya sa babaeng walang kahit na anong abilidad. Mas malaki ang tyansa na magkakaroon siya ng anak na may healing ability o kung suswertehin ay katulad ng abilidad ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Lerino.

Iyon ang plano ng ama niya at walang problema sa bagay na iyon si Larrion. Pwede naman niyang gawing  asawa sa labas si Sianara Ravella. Tutal katawan lang naman ang habol niya dito. Wala siyang pake kahit sinong maging asawa niya.

Kailangan niya lang talagang mag-ingat para hindi siya mahuli ng kaniyang ama.

Ang pinakaayaw ng ama niya ay ang kumalat sa kung kani-kanino ang lahi nila. Lalo na sa pamilya na may abilidad din. Lagi rin naririnig ni Larrion kung paano insultuhin ng ama niya ang mga taong nakatira sa labas ng Zann-ar.

Sa ibang lugar ay kalat ang mga taong may abilidad na halos halo-halo na ang kanilang bloodline sa iba pang mga taong may abilidad.

Ayaw iyon mangyari ng kaniyang ama. Naisip nga rin ng ama niya na gawing mas puro ang dugo ng magiging susunod na angkan ng Kalranza. Para sigurado na magkakaroon iyon ng abilidad. Kung hindi lang umiyak at nagmakaawa sa kaniya si Lorania ay baka inutusan talaga ni Lambert Kalranza na anakan ito ni Larrion.

Hindi rin sumagi sa isip ni Lambert Kalranza ang isa pa niyang anak na si Larika dahil sa paningin niya ay si Lorania lang ang karapat-dapat na maging anak niya. Lalong hindi gugustuhin ni Larrion na hawakan si Larika kahit siguro patayin pa siya ng kaniyang ama dahil para kay Larrion ay isang nakakadiring nilalang si Larika.

Pero dahil nagpumilit na tumanggi si Lorania sa gusto ng kaniyang ama ay hindi na natuloy pa ang plano na iyon ni Lambert Kalranza.

"Father, what's going on? Nakita kong madaming mga patay na tao kanina sa may gate." Tanong ni Larrion sa kaniyang ama ng hindi ito magsalita.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon