KABANATA 43

18.7K 902 104
                                    

Kabanata 43.

Naglakad kami ni Ezekon pabalik sa mansion.

Siguro ay kakabalik niya lang din galing Amaris Orphanage.

"Husband, are they all here?"

Lumingon sa akin si Ezekon bago siya tumango.

"Yes, Madam. I ordered Haren to deliver the news to your family. When they learned that Lerino is here, they immediately came here." Pahayag sa akin ni Ezekon.

Mahina akong tumawa dahil hindi na kinailangan na kidnapin ni Ezekon ang aking pamilya. Nagvolunteer na silang pumunta dito para kuhanin si Lerino.

Sadly, hindi nila alam na hindi na sila makakabalik sa Sakria City kahit kailan.

Nang makarating kami ni Ezekon sa loob ng mansion ay nagtungo kami sa receiving room kung nasaan ang aking ama, ina at mga kapatid.

Nakita ko sa labas ng room na iyon si Haren at Jenov. Naghihintay siguro sila sa amin ni Ezekon.

Nang makalapit kami ay agad kaming pinagbuksan ng pinto ni Jenov.

Malambing lang akong ngumiti.

Nang makapasok ako ay agad kong nakita ang aking buong pamilya, maliban lang kay Lerino. Mukhang wala siya dito.

Binitawan ko ang kamay ni Ezekon.

Naglakad ako patungo sa sofa. Tsaka lang sila nag-angat ng tingin ng makalapit ako. Hindi ako umupo.

Napahawak ako sa aking labi at halos matawa ako ng makita ko ang gulat na ekspresyon sa mukha nilang apat. Nanlaki ang mata nila na para bang nakakita sila ng multo.

"Father, Mother. I miss you." Malambing kong saad sa kanila.

Binalingan ko ng tingin si Larrion at Lorania.

"I also miss the two of you."

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng silid na kinatatayuan namin ngayon. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa kanila.

Mukhang sobrang nagulat ko sila.

Dapat ba ay nagsuot muna ako ng blinfold tapos tsaka ko sabihin na nakakakita na ulit ako? Well, hindi ko naisip ang bagay na iyon kanina dahil sobrang excited talaga ako na makita silang muli.

Masaya ako na nasurprise ko sila ng sobra.

"Y-You! H-How come!" Nauutal na sigaw ni Lorania habang nakaduro sa akin. Siya ang unang nakabawi sa pagkagulat at kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata.

Tumayo siya at agad na lumapit sa akin.

"Disgusting bitch! When did you get your eyes back? What happened to you!" Sigaw nito sa akin.

Agad akong humakbang palayo sa kaniya ng makita kong balak niyang tusukin ang mata ko ng kaniyang daliri. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.

Noong bata pa kami, siguro 14 or 15 years old palang kami noon. Nagalit ako sa kaniya ng sobra dahil sinabi niya sa akin na kahit anong gawin ko ay hinding-hindi ako mamahalin ng kahit na sino. Walang taong magkakagusto at tatanggap sa akin.

Dahil siguro nasa puberty stage ako ay masyado akong mabilis matrigger noong panahon na 'yon. Pero kahit gaano pa ako kagalit ay sinamaan ko lang siya ng tingin.

Hindi niya nagustuhan ang tingin ko na iyon sa kaniya. Masyado yata siyang natakot at nainis sa paraan ng tingin ko sa kaniya. Sinabihan niya si ina na hindi niya gusto ang aking mata.

Iyon ang dahilan kung bakit nawalan ako ng paningin at mata. Sobrang babaw na dahilan. Pero ganon ang ugali ni Lorania. Kapag ayaw niya, kailangan mawala sa paningin niya.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon