KABANATA 33

21K 730 113
                                    

Kabanata 33.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Huminga ng malalim si Teresa upang pakalmahin ang sarili niya. Pero kahit ganon ay nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay dahil sa pinaghalong kaba at galit.

Sobra-sobra ang galit niya kay Larrion Kalranza sa panlolokong ginawa nito sa kaniya noong past life niya. Akala ni Teresa ay nalimutan niya na ito ngunit nang makita niya si Larrion ay bumalik agad sa kaniya ang mga alaala na pinagsamahan nilang dalawa. Bukod don, nagkaroon din sila ng anak kahit hindi pa niya ito naipapanganak.

Totoong minahal ni Teresa si Larrion Kalranza. Ngunit hindi sigurado si Teresa kung minahal nga din ba siya ni Larrion.

Aksidente lang silang nagkakilala. Parang galing sa mga fairytale na hilig basahin ng mga kabataan.

Si Larrion Kalranza ang prince charming ni Teresa. Iyon ang buong akala niya.

Sinagip ni Larrion si Teresa mula sa isang rapist. Sobrang nagpapasalamat si Teresa kay Larrion dahil hindi natapakan ang kaniyang puri at dignidad. Mahalagang bagay iyon para kay Teresa.

Noong una ay hindi alam ni Teresa na taga Sakria City si Larrion. Mas lalong hindi niya alam noon na galing si Larrion sa kilalang Kalranza family.

Madalas nagkakatagpo ang landas ni Teresa at Larrion.

Nagtatrabaho noon si Teresa sa isang dessert shop na laging pinupuntahan ni Larrion. Naging magkaibigan sila at naging close sila sa isa't isa.

Noong umamin si Larrion Kalranza kay Teresa ay halos magtatalon siya sa tuwa. Tinanggap ni Teresa si Larrion Kalranza at naging magkasintahan sila.

Nangako si Larrion Kalranza na papakasalan niya si Teresa. Para makumbinsi ni Larrion si Teresa ay sinabi niya na ang totoo na taga Sakria City siya at isa siyang Kalranza.

Hindi nagduda si Teresa. Nagulat lang siya dahil isang may abilidad ang taong nagustuhan at ang taong mahal niya. Syempre, masaya siya noong nalaman niya iyon. Galing sa aristocrat family ang taong magiging asawa niya.

Pero kahit kailan ay hindi pa nakita ni Teresa na ginamit ni Larrion ang ability niya. Naisip ni Teresa na masyadong special ang healing ability kaya hindi ito pwedeng basta-basta gamitin.

Tinanong rin ni Teresa ng maraming bagay si Larrion. Katulad nalang ng kung ilan ang kapatid niya, kung kailan siya pinanganak at kung papayagan bang ipakasal si Larrion sa babaeng katulad niya.

Sinagot naman lahat iyon ni Larrion. Sinabi lang ni Larrion sa kaniya na isa lang ang kapatid niya at iyon ay si Lorania Kalranza. Sinabi niya rin na tatanggapin si Teresa ng kaniyang ama. Lalo na dahil walang abilidad si Teresa at hindi ito galing sa aristocrat family. Iyon ang sinabing dahilan ni Larrion.

Ilang buwan silang naging magkasintahan bago binigay ni Teresa ang sarili niya kay Larrion. Masaya ang bawat araw nila.

Isang beses ay dinala rin ni Larrion si Teresa sa Sakria City.

Ngunit makalipas ang ilang buwan ay naging malamig ang pakitungo sa kaniya ni Larrion. Akala lang ni Teresa ay masama lang ang pakiramdam ni Larrion o pagod lang ito sa pagbyahe dahil malayo ang Sakria City sa Samdran City.

Naging maunti din ang dalaw ni Larrion sa kaniya kada araw. Akala lang niya ay masyadong busy si Larrion.

Ngunit nagkamali siya. Kung hindi pa niya aksidenteng makita si Larrion at Sianara Ravella sa may labas ng hotel habang naghahalikan ay hindi niya pa malalaman na may babae ang kaniyang kasintahan.

Halos manlamig ang buo niyang katawan noong mahuli niya ang mga ito sa akto. Sa sobrang galit niya ay agad niyang sinugod si Sianara Ravella.

Kilalang-kilala niya si Sianara Ravella dahil taga Samdran City siya sa kung saan teritory ng Ravella family. May narinig din siyang chismis noon pa na may kasintahan si Sianara Ravella dahil marami ang nakakakita dito na may kasamang lalaki.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon