KABANATA 39

20.5K 980 53
                                    

Kabanata 39.

Nang tumigil ang carriage ay agad akong pinagbuksan ng pinto ni Mirley. Malawak ang ngiti niya.

Nang makababa ako ay nakita ko rin si Sarrin na nakatayo sa gilid ng carriage. Masama itong nakatingin kay Mirley.

"Madam, dapat po ay hindi na natin sinama si Mirley. Mag-iingay lang po siya sa tabi natin."

Agad na binalingan ni Mirley ng tingin si Sarrin.

"Gusto mo lang masolo si Madam. Kung hindi mo ako isasama ay sasabihin ko kay Master Ezekon na gusto mong agawin si Madam sa kaniya." Pinanlakihan pa ng mata ni Mirley si Sarrin.

Nakangiting pinanood ko lang silang dalawa. Hinaplos ko ang balahibo ni Koco bago ko siya binulungan.

"Koco, gusto mo bang takasan nalang natin ang dalawa?" Mahinang bulong ko kay Koco ngunit agad na lumingon sa akin si Sarrin at Mirley.

Malambing ko silang nginitian.

"Madam, tatahimik na po kami." Seryosong saad ni Sarrin. Tumango ako sa kaniya bago ako mahinang tumawa.

Naglakad na ako upang maglibot-libot.

Maunti lang ang mga taong nasa city plaza. Mas tahimik ang lugar na ito kaysa sa ibang mga city plaza na napuntahan ko.

Nang makarating ako sa shopping street ay pansin ko agad ang mga nakasarang store. Ilan lang sa mga shop ang nakabukas.

"Ganito ba ang itsura ng mga lugar na nasasakop ni Ezekon?" Tanong ko sa katabi kong si Sarrin at Mirley.

Nagtataka ako dahil hindi naman ganito ang Amaris City. Siguro dahil rin pinipili ng iba na umalis dito sa Andaro City sa pag-aakalang baka patayin din sila ni Ezekon. Hindi naman sila mali sa bagay na iyon.

"Yes, Madam. Siguro dahil kalahati rin ng mga tao ang namamatay sa mga city na nasasakop ni Master Ezekon." Sagot sa akin ni Sarrin.

Inis naman na tumingin si Mirley kay Sarrin dahil naunahan siya nitong magsalita.

"Madam, curious lang po ako. Ano pong tingin niyo kay Master Ezekon?" Tanong bigla sa akin ni Sarrin.

"Sarrin! Anong klaseng tanong 'yan?" Sita ni Mirley sa kaniya.

Ngumiti lang ako habang hinahaplos ko ang balahibo ni Koco. Napaisip naman ako sa tanong ni Sarrin.

"Handsome. Very handsome." Sagot ko sa tanong ni Sarrin.

"Hindi po iyon, Madam. Kahit kailan po ba ay hindi po kayo natakot kay Master Ezekon?" Pagbabago ni Sarrin sa kaniyang tanong.

Maging si Mirley ay napatango. Nakalimutan na niya sigurong magreklamo.

Muli akong napaisip ng sagot sa tanong niya.

Natakot na ba ako kay Ezekon? Siguro, oo. Siguro, hindi. Hindi ko sigurado.

"Maybe," nakangiti ko pa rin na sagot.

Agad umiling si Mirley.

"Madam, hindi po kayo magaling sumagot." Puna nito sa akin.

"Hindi talaga ako magaling sumagot kapag ang tanong ay tungkol sa aking asawa," saad ko bago ako mahinang tumawa.

Tumigil ako sa paglalakad ng makita ko ang bukas na snack shop. Napansin din ng dalawa na tumigil ako kaya nilingon din nila ang aking tinitingnan.

"Madam, gusto niyo bang maupo muna tayo?" Mabilis na tanong sa akin ni Mirley.

"Okay," sagot ko sa kaniya.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon