KABANATA 23

21.5K 879 168
                                    

Kabanata 23.

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Marisa. Ang sigurado lang ako ay hindi na siya nagtatrabaho sa Kalranza Family.

Masaya ako para sa kaniya.

Hahakbang na sana ako para lapitan si Marisa ngunit muli akong tumigil.

"Anong mahal ang paninda ko? Kumpara sa mga nandito mura na yung mga tinitinda ko! Magbayad ka nalang ang dami mo pang sinasabi!" Sigaw ni Marisa sa matandang may bitbit na bata.

"Sabi mo dalawang pilak para sa isang buong repolyo, limang patatas at dalawang tali ng petsay! Bakit mo biglang dinagdagan ng isang pilak ngayon na magbabayad na ako? Niloloko mo ba ako? Isa pa, hindi na sariwa ang mga paninda mo!" Sigaw ng matandang ale pabalik kay Marisa.

Nanatili akong nakatayo sa may gilid. Hindi lang din ako ang nanonood sa kanila dahil nakuha na nilang dalawa ang atensyon ng iba pang mga namimili at mga nagtitinda.

"Kung kulang ang pambayad mo sabihin mo lang! Sobrang lalaki ng kinuha mong papatas at repolyo kaya dapat lang na magdagdag ka ng isang pilak. Ngayon nagrereklamo ka kasi wala kang pambayad? Wag mo din sabihin na ibabalik mo 'yang mga nabili mo. Hindi na pwede. Kailangan mo magbayad ng tatlong pilak."

"Ang kapal ng mukha mo! Anong hindi ko na pwedeng ibalik. Masyado kang mandaraya! Hindi ka yayaman sa ganito!" Sigaw muli ng ale.

Dahil sa sigaw niya ay biglang malakas na umiyak ang buhat niyang bata.

"Ikaw itong mandaraya! Nagtitinda lang ako dito at ikaw yung pumiling bumili sa akin. Gawain mo ba 'to? Ang bumili at hindi magbayad ha!" Malakas muling sigaw ni Marisa.

"Tsk. Pangatlong beses na nangyari ito sa isang araw. Madaya talaga 'yang babaeng yan," saad ng matandang babaeng nakatayo malapit sa akin.

"Kaya nga, muntik na rin niya akong mabiktima. Buti nalang binalaan ako ng isang tindera," pahayag naman ng isang dalaga.

"Ilang linggo palang 'yan na nakapwesto dyan pero kilala na sa buong street na 'to dahil nga sa gawain niya. Masyadong madaya. Hindi rin 'yan nagpapabalik ng mga nahawakan na ng mga mamimili, kahit tinitingnan lang ng iba." Pagkukwento ng matandang lalaking tindero.

Hindi ko inalis ang aking tingin sa energetic na si Marisa. Patuloy ito sa pakikipagtalo sa matandang babae habang ang batang buhat niya ay patuloy sa pag-iyak ng malakas. Ang mga nanonood sa gilid ay pinagtsi-tsimisan siya.

Sobrang ingay sa paligid na halos hindi ko alam kung kaninong boses ang naririnig ko. Ang hindi ko lang gusto na ingay sa lugar na 'to ay ang nakakairitang iyak ng bata. Daig pa niya ang baboy na kinakatay hindi kalayuan sa pwesto namin.

Gusto kong hagisan ng bato ang nakabuka niyang bibig para tumigil siya. Hindi ako makapagfocus sa pakikinig kay Marisa dahil sa kaniya.

"Kapag hindi ka talaga nagbayad, sa maniwala ka man o sa hindi, ibabalita ko ito sa Kalranza family para mapalayas ka dito sa Sakria City. Kung hindi mo alam ay katulong ako dati ng anak nila!"

"Tsk. Tsk. Iyan na naman siya sa pananakot niya. Hindi talaga titigil ang dalagang 'yan hangga't hindi nagbabayad ang taong nabiktima niya," pahayag ng matandang tindero.

"Lagi niya po bang binabanggit ang Kalranza family?" Tanong ko sa tindero. Nilingon ako nito bago niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa bago siya nagsalita.

"Oo, halos iyon lagi ang panakot niya sa mga nabibiktima niya. Sino ba naman ang gustong mapalayas dito sa Sakria City? Ito lang ang lugar sa Zann-ar na mapayapa at bukod don hindi rin namin kailangan mag-alala kapag may sakit o may nangyaring aksidente sa amin o sa aming pamilya," sagot nito sa akin.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon