KABANATA 5

26K 1K 165
                                    

Kabanata 5.

I dreamed of Ezekon last night. I supposed it was a dream because when I woke up, the space beside was cold.

"What is he look like?" Tanong ko kay Erida habang namimili siya ng isusuot ko ngayong araw.

"Who Madam?"

"My husband."

Hindi ko narinig agad ang sagot ni Erida. Kaya muli ko siyang tinawag.

"Erida."

"Yes, Madam. I honestly, don't know. Maids and servants are not allowed to look at him in the eyes. We need to bow down our heads while talking to Master. He's also tall so we could not properly see him when he's passing by."

So, I need to figure out myself, I guess.

I am just curious.

Today, I need to go out even though I don't want to. Being raised as a lazy good-for-nothing daughter, I got used to just staying inside my room.

Now, I need to do charity works.

Kanina ko lang din nalaman na nagsinungalung si ama kay Ezekon Varyntian. My father told him that I have a healing ability, although it's weak but he said I can heal 20 people per day.

Wow.

Sobrang speechless ako noong sinabi sa akin ni Butler Morki ang bagay na iyon. Ang charity work na gagawin ko ay may kinalaman din sa bagay na iyon.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo kay Butler Morki. Pero ng maisip kong nakikitira pa rin ako sa mansion ng Varyntian ay hindi nalang ako umimik.

Tinanggap ko nalang ang kapalaran ko. Isa pa, hindi pa ako nabibigyan ng alimony ni Ezekon. Kapag nalaman niyang hindi ako isang healer na katulad ng normal na healer ay baka agad niya akong ipatapon at hindi bigyan ng kahit konting alimony. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon.

Baka pag-experimentohan din niya ako kapag nalaman niya kung ano talaga ang aking abilidad.

"Madam, please be careful."

Natauhan ako ng marinig ko ang paalala ni Erida. Inalalayan niya ako papasok sa carriage.

We are going to Amaris Orphanage.

"Madam, are you comfortable?" Tanong sa akin ni Erida nang maramdaman kong umandar na ang carriage.

"I'm good," sagot ko sa kaniya.

Hindi na muli pang nagtanong si Erida. Tahimik lang din ako hanggang sa tumigil ang carriage.

"We're here, Madam."

Nang makababa ako sa carriage ay agad kong naramdaman na may taong nakatayo sa aking harapan.

Kahit hawak ko ang walking stick ay hinayaan kong alalayan ako ni Erida dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar na 'to.

"Greetings, Mrs. Varyntian. I'm the headmaster of Amaris Orphange, Itop Mergob."

Ngumiti ako sa taong bumati sa akin.

"Greetings. I'm Larika Trudi Kalranza. Don't be so polite. Just call me Madam." Mahina akong tumawa.

"Understood, Madam."

"Lead the way, Headmaster Mergob."

Muli akong inalalayan maglakad ni Erida. Habang naglalakad ay nagpapaliwanag sa akin si Headmaster Mergob sa kung anong nangyari at kung bakit nila kailangan ng tulong ko.

"Galing ang mga bata sa Hirlen Village, sa outskirts ng Andaro City. Iyon din ang city na halos matagalan si Master Ezekon na sakupin dahil ang mga tao doon ay matatapang at walang takot sa kahit na sino. Ginawa nilang shield ang mga bata dahil akala nila ay hindi sila aatakihin ng army ni Master Ezekon kapag ginawa nila iyon."

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon