KABANATA 2

27.4K 1.2K 173
                                    

Kabanata 2.

Amaris City is the largest city in Zann-ar Country. Hindi ko kahit kailanman naisip na titira ako sa lugar na iyon. Ang isa pang hindi pumasok sa isip ko kahit kailan ay ang mag-asawa.

Hindi ko alam kung ilang oras ang nilakbay ng karwaheng sinasakyan ko. Sa pagkakaalam ko ay ilang city pa ang kailangan namin lagpasan bago makarating sa Amaris City.

Naramdaman ko ang pagtigil ng karwahe at narinig ko ang papalapit na yabag ng mga paa papalapit sa pinto ng carriage. Napahawak ako sa cane bago ko narinig ang pag bukas ng pinto ng karwahe.

"Lady Larika, nandito na po tayo." Rinig kong saad ng isang boses lalaki.

Inalalayan ako nitong makababa at agad akong nakaramdam ng lamig sa paligid. Base sa lamig at sa simoy ng hangin ay sigurado akong gabi na. Hindi ko akalain na isang buong araw na walang tigil ang paglalakbay ng karwahe mula sa Sakria City at Amaris City.

Hindi na nakapapagtaka kung bakit kanina pa ako gutom na gutom.

Natigilan ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang dalawang presensyang papalapit sa kinatatayuan ko.

"Excuse me, what business do you have here?" Rinig kong tanong ng isang kalmadong boses ng lalaki.

"A—"

"Greetings, I am Larika Trudi Kalranza from Sakria City. I am Ezekon Varyntian's wife."

Bago pa man makapagsalita ang coachman ay nagpakilala na agad ako.

"What? What nonsense is this? Kailan pa nagkaroon ng asawa si Master Ezekon?" Base sa boses niya ay sigurado akong hindi siya ang nagsalita kanina.

"Lady, if you are trying to gain the attention of Master Ezekon, you better think twice if you don't want to die. Hindi ikaw ang unang babaeng nagtangkang magclaim na asawa ni Master Ezekon. Yung mga nauna sayo ay nakalibing na ngayon," kalmadong saad ng lalaki, hindi katulad noong kaninang lalaking nagsalita.

Hindi naman ako agad nagsalita. Napaisip ako dahil hindi rin impossible na baka niloko lang ako ni ama at gusto niya akong mamatay sa lugar na ito. Ngunit mas malaki ang posibilidad na nagsasabi siya ng totoo kung iyon lang ang paraan para hindi galawin ni Ezekon Varyntian ang Sakria City.

"Can I meet with Ezekon Varyntian? I think it is better to talk this matter with him rather than just standing here," pahayag ko.

Kung balak din akong patayin ni Ezekon Varyntian ay nakahanda na ang sarili ko.

"Pero, Young Lady, bakit ka nakablindfold?" Tanong sa akin ng kasama ng kalmadong lalaki.

"Because I don't have eyes," sagot ko sa kaniya.

"Jenov, I think it's time for you to shut your mouth," rinig kong saad ng kalmadong lalaki.

"S-Sorry, Young Lady."

"It's fine," sagot ko sa kaniya.

"Lady Larika, if you don't mind. Can I assist you?" Tanong naman ng lalaking si Jenov sa akin.

Nanatiling seryoso lamang ang mukha ko bago ako tumango.

Hindi ko akalain na mas mabait sila kaysa sa mga tao sa loob ng Kalranza mansion.

Hindi ako nagsalita habang naglalakad kami. Ilang minuto kaming naglakad bago kami tumigil.

Nakarinig ako ng katok mula siguro sa pinto bago ko narinig muli ang boses ng kalmadong lalaki.

"Master, you have a guest. According to her, she's your wife," saad nito.

Napansin ko naman na hindi nagbukas ang pinto kaya sigurado ako na nakatayo pa rin ako sa labas ng silid kung nasaan ang asawa ko.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon