KABANATA 10

24.8K 1.2K 240
                                    

Kabanata 10.

"Good night, Madam. I'll take my leave now."

"See you tomorrow, Erida."

Malawak akong ngumiti bago ako nahiga sa kama. Pinatay naman ni Erida ang ilaw sa aking bedroom bago siya lumabas.

Nang marinig kong sumara ang pinto ay nanatili akong nakahiga ng ilang minuto.

Bumangon lang ako matapos ang kalahating oras. Tinanggal ko ang suot kong blindfold. Madalas pagnatutulog ay hindi ko tinatanggal ang blindfold na suot ko.

Nang matanggal ko na ang blindfold na suot ko ay tinali ko lang iyon sa aking wrist, in case na kailanganin ko mamaya.

Tumayo na ako at naglakad sa may balcony. Sobrang liwanag ng buwan at sobrang dilim ng langit. Nang makalabas ako sa balcony ay muli kong sinaraduhan ang pintong dinaanan ko.

Humakbang ako papalapit sa puno bago ako tumalon sa may sanga non. Niyakap ko ang sanga ng puno para hindi ako mahulog.

Kahit hindi ko mararamdaman ang sakit ng pagbagsak ay hindi ko maiiwasan na baka mabali ang buto ko at hindi ako makapaglakad. Kahit gagaling din iyon agad ay mas mabuti ng mag-ingat ako para hindi masayang ang oras ko. Baka may makakita pa sa akin.

Nang makababa ako sa may puno ay sinigurado kong walang kahit na sino akong makakasalubong. Kahit magaling akong umarte at magpanggap ay mas mabuti na hindi ko na iyon kailangan gawin.

Nakahinga ako ng maluwag dahil matiwasay akong nakapunta sa garden ng walang nakakasalubong.

Naglakad pa ako patungo sa kulungan ng mga alaga ni Ezekon. Ayon kay Erida, may 20 na hayop ngayon na nakakulong sa lugar na iyon.

I want to see them all. Katulad din ba sila ng jaguar na nakita ko kanina.

Hindi ko mapagilan mapangisi habang iniisip ang mga alaga ni Ezekon.

Nang makarating ako ay napatingala ako sa mataas na fence. Hindi ko iyon abot kahit na tumingkayad pa ako.

Nagmasid ako upang makita kung may pwede ba akong gawin tuntungan o kahit anong paraan para makapasok ako sa kulungan.

Nang wala akong makitang kahit na ano ay nagsalubong ang kilay ko dahil sa inis. Huminga ako ng malalim bago ako ngumiti.

Don't be angry.

Naglakad pa ako upang libutin ang fence. Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang sumulpot na malaking hayop sa aking harapan.

Hindi siya isang jaguar. This one right here is a lion.

"Hello, little cutie."

Masaya akong lumapit sa tahimik na lion. Nakatitig lang ito sa akin at mukhang pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.

Nang i-angat ko ang aking kamay para sana hawakan ang ulo niya ay bigla niyang ibinuka ang kaniyang bibig. Kinagat niya ang aking kamay kaya natigilan ako.

Napakurap ako bago ako yumuko upang pulutin ang dinura niyang kamay na pag-aari ko.

Inangat ko ang putol kong kamay bago ko nginisian ang lion na nakatingin pa rin sa akin.

Naupo lang ako sa lupa bago ko dinikit ang naputol kong kamay sa aking braso. Hindi ako gumalaw ng ilang minuto.

Nakipagtitigan lang din ako sa lion na nasa harapan ko habang hinihintay ko na gumaling ang naputol kong kamay.

Matapos ang lima pang minuto ay bumalik na rin sa dati ang aking kamay. Para bang hindi iyon naputol.

Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot na dress. Buti nalang dahil hindi kaliwang kamay ko ang nakagat niya dahil duon nakatali ang blindfold ko.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon