KABANATA 38

20.3K 890 30
                                    

Kabanata 38.

Mariin akong tinitigan ni Lerino. Sobrang dilim ng ekspresyon ng mukha niya na tipong hindi ko mapigilan ang malakas kong pagtawa.

Mahigpit kong niyakap si Koco habang nanginginig ang balikat ko dahil sa aking pagtawa.

My dear older brother, Lerino.

Why are you so interesting?

Unexpectedly, surprisingly, and apparently, he was living his dream life but I unknowingly ended it.

That's so funny!

Who would have thought that I have such an interesting older brother. He's none other than Lerino Kalranza.

Matapos kong tumawa ng matagal ay pinunasan ko ang luha sa aking mata. Hindi ko inaasahan na sobrang ganda ng kwento ng buhay ni Lerino.

Nang maikalma ko ang aking sarili ay sinimangutan ko si Lerino.

"Brother, do you hate me now that I took your pain away? Should I apologize for what I did?" Malungkot kong tanong sa kaniya.

Hindi nag-iwas ng tingin sa akin si Lerino.

"I want to go back to Sakria City," seryosong pahayag niya sa akin.

Napakurap ako bago ako mas lalong sumimangot.

"So, you really hate me now. You even want to stay far away from me. Why are you like this, brother?"

"Larika, why did you become like this?" Tanong niya pabalik sa akin.

Seryoso lang siyang nakatitig sa akin na para bang kahit hindi ako magsalita ay malalaman niya ang sagot kapag nanatili ang mata niya sa akin.

Why did I become like this?

The question should be, why is he like this?

"You don't need to know, brother. I just want to know if you want to be in so much pain again."

Tinigil ko na ang pagsimangot ko. Malambing kong nginitian si Lerino bago ako bumaling kay Erida.

"Erida, lend me your dagger."

Agad naman na napatalon sa gulat si Erida. Alam kong nakikinig siya sa pinag-uusapan namin ni Lerino. Hindi rin siguro niya inaasahan ang kwento ng buhay ng aking kapatid na si Lerino. Maging ako ay hindi ko rin iyon inaasahan.

Sobrang nagulat ako na halos mamatay ako sa kakatawa.

"Yes, Madam."

Inabot ni Erida sa akin ang lagi niyang dalang dagger. Binalik ko naman sa kaniya ang plate na may lamang cookies at hinagis ko si Koco sa ere. Hindi ako nag-alala na baka mahulog siya. Siguradong lilipad si Koco at hindi siya babagsak.

Muli kong tinuon ang aking atensyon kay Lerino.

"My dear older brother, you like pain so much? Don't you?" Malambing kong saad bago ako tumayo.

Humakbang ako papalapit kay Lerino.

"I know you're blaming me for ending your dream life. My bad, I just want to play with father and mother."

Pinanlisikan ako ng mata ni Lerino.

Hindi siya natutuwa sa akin. Pero natutuwa ako sa kaniya.

Akala ko, sobrang dilim ng buhay niya. Inakala ko rin na parehas kami ng sitwasyon sa loob ng Kalranza mansion. Iyon pala nagkamali ako.

Pero hindi ako nagsisisi sa aking ginawa. Ang totoo pa niyan ay natutuwa ako ng sobra. Masaya ako.

Malambing kong nginitian si Lerino. 

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon