EPILOGUE

28.2K 1.4K 459
                                    

Epilogue.

Noong magsimulang lumaki ang tiyan ko ay hindi na umalis pa sa tabi ko si Ezekon. Kahit saan ako magpunta ay dapat kasama siya. Kahit saan siya magpunta ay dapat kasama din ako.

Siguro dahil buntis ako kaya hindi ko rin kayang mawala sa paningin ko si Ezekon. Ayoko rin na hinahawakan ako ng iba. Kahit si Erida pa ang humawak sa akin ay hindi ko nagugustuhan. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang balatan ng buhay kapag aksidente niya akong nahahawakan sa braso o sa kamay.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito pero ang hawak lang talaga ni Ezekon ang kayang tanggapin ng katawan ko.

Ngayon ay nasa may bedroom lang ako. Masyado ng malaki ang tiyan ko para maglakad-lakad. Katabi ko si Ezekon.

Kanina ay nagbabasa lang siya ng libro pero ngayon ay nakahawak na siya sa tiyan ko habang pinaglalaruan niya ang buhok ko.

Mukha siyang may malalim na iniisip.

"What are you thinking?" Tanong ko sa aking asawa.

Nag-angat ng tingin sa akin si Ezekon. Nang magtama ang paningin namin dalawa ay nginitian ko siya.

Tumitig lang sa akin si Ezekon bago niya hinalikan ang aking labi. Mabilis na halik lang iyon.

Nang lumayo siya sa akin ay seryoso niya akong tinitigan bago ko narinig ang malalim niyang boses.

"If you die while giving birth to this thing inside your body, I will kill it. Then I will follow you, so we can still be together."

Sobrang seryoso ng tono ni Ezekon. Alam ko rin na hindi siya nagbibiro. Gagawin niya talaga ang bagay na sinasabi niya.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Ezekon bago ako mahinang natawa. Mukhang pinagsisisihan niya na binuntis niya ako. Kaya siguro mukhang malalim ang iniisip niya.

Napahawak ako sa aking malaking tiyan.

Hindi ko alam kung magiging mabuti ba kaming magulang ni Ezekon sa nilalang na nasa loob ng tiyan ko.

Hindi ako sigurado at mas lalong hindi ako confident sa bagay na iyon.

Ipagdadasal ko nalang na sana kasing talino ni Ezekon ang nilalang na nasa tiyan ko para kaya na niyang buhayin ang sarili niya mag-isa kapag napanganak ko siya. Para din kaya niyang protektahan ang sarili niya kapag tinangka siyang patayin ng kaniyang ama.

Nagbibiro lang ako.

Kapag nabuhay ako, siguradong aalagaan ng mabuti ni Ezekon ang anak namin. Kahit gaano pa kasama si Ezekon ay ramdam kong papalakihin niya ng maayos ang anak namin. Bukod don, papalakihin niya rin itong kagaya niya.

Siguro kapag lumaki ang anak namin ay maiisipan rin niyang patayin ang mga tao. Siguro mga tao sa ibang lugar ng mundong ito.

Kung iyon ang balak niyang gawin ay hindi namin siya pipigilan ni Ezekon. Susuportahan pa namin siya.

"You are so relax, Madam. You are really not afraid to die."

Muli kong nilingon si Ezekon. Hinawakan ko ang kaniyang pisnge bago ko siya hinalikan sa kaniyang ilong.

"Why? Are you nervous, my dear husband?" Nakangisi kong tanong sa aking asawa.

"A little. I just remembered how many dragons died while giving birth to another dragon. You are a human so maybe you will die faster than them."

Natawa ako ng marinig ko ang sinabi ni Ezekon. Mahigpit kong pinisil ang pisnge niya.

Magsasalita na sana ako ngunit hindi ko na natuloy. Napakurap ako bago ako napahawak sa aking tiyan.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon