KABANATA 44

19.6K 821 114
                                    

Kabanata 44.

**WARNING: VIOLENCE**

"Is it really the truth?" Tanong sa akin ni ama.

Tumango ako.

Well, iba lang ang abilidad ko sa inaasahan nila.

"How come you did not say anything to me?" Tanong sa akin ni ama.

Nagkibit-balikat ako bago ako tumawa.

Bakit ko sasabihin sa kaniya? Para gawin niyang mas 'masaya at exciting' ang buhay ko sa loob ng Kalranza mansion?

Minsan talaga ay magaling din magpatawa si ama.

"Father, bakit hindi mo itanong sa akin kung bakit ko tinakas si Lerino mula sa Kalranza mansion? Hindi ka ba curious?" Pabalik kong tanong sa kaniya.

Hindi nagsalita si ama at lumingon lang siya saglit kay Ezekon. Napakurap ako bago ako umiling.

"Walang kinalaman dito si Ezekon, Ama. Ako ang may gustong magligtas kay Lerino. Pero hindi ko alam na hindi niya pala kailangan ng tulong ko."

Bumaling ako kay Lerino.

"My dearest brother, bakit hindi mo sabihin kay ama kung bakit talaga sila nandito?"

Malambing akong ngumiti.

"Hindi mo gustong sabihin o ayaw mo lang sabihin dahil hindi ka naniniwala na gagawin ko iyon?" Tanong ko pa kay Lerino.

Bumuntong-hininga ako pero hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Muli akong nagsalita.

"My lovely family, I invited you guys here to torture you to death. Except for you, Lerino. I know how much you love pain and torture."

Matapos kong magsalita ay napalingon ako kay Ezekon dahil naramdaman ko ang hawak niya sa aking bewang.

"Tie them up," utos nito kina Haren.

"Larika! What the hell are you planning to do?" Singhal sa akin ni ama.

Sinimangutan ko siya.

"Father, you should clean your ears more." Hindi ko sinagot ang tanong niya.

Malinaw ang sinabi ko at wala akong plano iyong ulitin para sa kanila.

"Larika, have you gone nuts?" Sigaw sa akin ni Larrion nang wala siyang kalaban-laban na tilain ni Jenov sa kaniyang kamay at paa.

"Larika! How dare you treat your mother like this? Where's your respect for your mother? Quickly stop them!"

Nilingon ko lang ang aking ina. Nakatali na ngayon ang kamay at paa niya.

Ngumiti ako sa kaniya.

"I don't want to." Malambing kong pahayag.

"I'm glad you slapped Lorania. There's one less noisy person here." Masaya kong tiningnan si Ezekon.

Nang matapos nilang itali sina ama ay nilagyan din nila ng tali ang bibig nina ama para hindi sila makapagsalita.

Mas lalo akong napangiti dahil tumahimik muli ang aking paligid.

"Take them to the underground prison," pahayag ko kina Haren.

Nang makalabas sila ay naiwan kaming tatlo ni Ezekon at Lerino sa loob ng silid na ito.

Hindi ko kailangan mag-alala kay Lerino dahil wala siyang kahit na anong lakas na manlaban. Isang tulak lang sa kaniya ay matutumba na siya sa sobrang kapayatan niya. Kailangan niya rin na may naka-alalay sa kaniya para makapaglakad siya ng maayos.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon