KABANATA 29

22.8K 882 71
                                    

Kabanata 29.

Kinabukasan ay may balita kaming narinig.

Tungkol iyon sa Kalranza Family at Sakria City.

Ayon sa balita ay simula sa araw na ito ay hindi muna magpapalabas at magpapapasok ng kahit na sino ang Kalranza family sa Sakria City. Ang kung sino man lumabag ay kailangan patayin agad. Ang kung sino man ang magpumilit na lumabas ay papatayin.

Nang malaman ko iyon ay sobrang natawa ako.

My father really thinks that he came from a royal family. What kind of a tyrant monarch is he? Of course, a stupid one.

Ngayon araw lang rin siguro niya nalaman na wala na si Lerino sa loob ng Kalranza Mansion.

Siguro ay napansin niya tumigil na ang supply ng juice nila na nagmumula sa basement.

Mukhang balak nilang halughugin ang buong Sakria City mahanap lang si Lerino.

Hindi pa kami nakakalabas ng Sakria City pero hindi ako nag-aalala na baka hindi kami makaalis. Kung mahuli man kami, sila ang malas.

Kaya kung may swerte sila sa katawan ay hindi nila kami makikita. Kung malas sila, siguradong mahahanap nila kung nasaan kami ngayon.

Hindi rin kami nagmamadaling umalis sa Sakria City. Balak pa nga namin maglibot ni Ezekon sa may city plaza ngayon araw.

Titingnan namin kung anong kasiyahan ang magaganap mamaya.

"Erida, talk to my brother more. Maybe he will give a reply soon," malambing ang ngiti kong saad kay Erida habang inaayusan niya ang buhok ko.

"Madam is right. I should talk to him more," tugon ni Erida sa akin.

I don't know if he still wants to live or not. Pero mas mabuti kung makarecover din siya para kung gusto niyang patayin si ama ay magagawa niya.

Hindi ako nagsalita dahil biglang sumampa si Koco sa aking hita. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula ng ihagis siya ni Ezekon noong isang gabi.

"Koco, you are indeed Ezekon's lackey. Aren't you?" Pinanliitan ko ng mata si Koco bago ko siya binuhat.

"Did you report to him everything that I've said and done? Aren't you my pet? Why are you like this?" Tanong ko pa kay Koco.

Mahigpit kong pinisil ang katawan ni Koco gamit ang dalawa kong kamay. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"It's a pity that I can't communicate with you," pahayag ko.

Matapos akong ayusan ni Erida ay agad siyang lumabas sa silid na 'to.

Binalingan ko naman ng tingin si Ezekon na nakaupo sa may kama. Kanina pa siya naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang librong binabasa niya. Siguro ay dala niya iyon o nakita lang niya sa kung saan.

"Ready?" Tanong nito sa akin ng makitang tumayo na ako. Naglakad ako palapit kay Ezekon.

Itinabi niya sa beside table ang librong hawak niya bago siya umayos ng upo.

"Husband, do I look pretty?" Malawak ang ngiting tanong ko sa kaniya.

Pinagmasdan ako ni Ezekon mula ulo hanggang paa bago siya tumango.

"Looking so appetizing. Indeed, you are the most beautiful."

Ngumisi ako ng marinig ko ang sagot ni Ezekon.

"What about Koco?"

Lumipat ang tingin ni Ezekon kay Koco na nasa balikat ko.

"Ugly," sagot agad nito sa akin.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon