KABANATA 31

22.1K 1K 126
                                    

Kabanata 31.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ezekon. Hindi naman kasi ako natatakot sa kaniya at sa 'ano' niya kahit gaano pa 'yon kalaki.

Nagpatuloy kami sa paglilibot ni Ezekon. Hindi kami tumigil hanggang sa makapunta kami sa may market na malapit sa entrance ng Sakria City.

Kita ko ang malaking bakal na gate mula sa pwesto namin. Nakasara iyon. Madaming mga tao sa harap ng gate at pansin ko rin sa labas ang mga carriage na nakapila.

Mukhang madami ang mga tao ang gustong pumasok sa Sakria City. Ngunit hindi sila makakapasok kahit ano pang gawin nila o kahit magbayad pa sila ng malaking halaga ng pera sa guards.

Mas lalong bawal makalabas sa Sakria City kaya hangga't hindi nakikita at naibabalik ni ama si Lerino sa Kalranza mansion ay hindi magbubukas ang gate ng Sakria City.

Mas mabuti kung umalis na lang sila at bumalik kung saan man sila galing.

"Look at them my husband. They badly want to go out."

Naglakad pa kami ni Ezekon malapit sa may gate. Nang makalapit kami ay may lumapit sa aming guard.

"Balak niyo rin bang lumabas?" Seryosong tanong sa amin ng matandang guard. Malaki ang katawan nito.

"Hindi, naglilibot lang kami ng asawa ko."

"Ganon ba? Kung naglilibot lang din kayo ay mas mabuti pa na umuwi nalang kayo. Hindi maggandang maglalabas ngayon," seryosong paliwanag nito sa amin.

Tumango ako.

"Salamat sa paalala," nakangiting pahayag ko.

Hindi na kami pinansin pa ng mga guards.

Hinawakan ko ang braso ni Ezekon. Magpapatuloy na sana kami sa paglalakad ng may biglang dumaan na mabilis na carriage sa gilid namin.

Sabay kaming napatigil ni Ezekon. Napalingon kami sa carriage at saktong tumama ang mga kabayo sa malaking bakal na gate.

"Anong ginagawa niyo!" Sigaw ng guard na kumausap sa amin kanina. Galit itong naglakad palapit sa may coachman na tumalsik palayo sa carriage.

Maging ang ibang guards ay nilapitan ang sumalpok na carriage sa may gate.

"Tingnan niyo kung anong laman ng carriage. Huwag niyong papalampasin ang bawat sulok. Kung may sakay ang carriage ay kapkapan ang mga iyon ng mabuti." Utos sa kanila ng isang mukhang commander.

Agad naman na pinasuot ng posas ng guard ang coachman. Mukhang buhay pa iyon kahit malakas ang tama na natamo niya sa ulo.

"Commander, walang laman na kahit ano ang carriage!" Saad ng isang guard.

Agad na lumapit ang commander sa carriage. Tiningnan niya ang loob non. Siguro ay wala siyang nakita kaya hindi naging maganda ang ekspresyon ng mukha niya.

"Mga Sir, may nagbubukas ng gate!" Sigaw ng isang matandang babae habang nakaturo sa papabukas na gate.

Agad akong napatingin don. Maging ang mga guards ay napatingin din sa may gate.

Simula ng may sumalpok na carriage sa gate ay hindi iyon pinansin ng mga guards. Ang pinalibutan nila ay ang carriage.

Para mabuksan ang gate ay kailangan lang kontrolin ang lever at ibaba iyon.

"Patayin ang coachman! Gusto niyang mawala ang atensyon natin sa gate. Sigurado akong may mga kasamahan siya dito!" Sigaw ng commander.

Napataas ang kilay ko bago ako napalingon kay Ezekon.

LARIKA OF SAKRIA CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon