After the New Year's countdown, we talked for hours, kaya no'ng pumunta kami ng airport, antok na antok ako. Ate Trish was giving me a meaningful look, buti na lang pagod sila mommy kaya hindi nila ako gaanong napagtuunan ng pansin.
Si Ate Trish nagpadiretso sa condo niya. Kami lang nila mommy ang dumiretso ng bahay, sa Wednesday pa kasi 'yong pasok ko, so sumama muna ako sa kanila. Si Kuya naman sa condo rin niya dumiretso. Sometimes it makes me wonder how my parents react that we are not home when they finished work.
Dahil sa puyat at pagod, nakatulog ako agad pagpasok sa kwarto, it was the next day when I woke up. Linggo na. Pero nagulat ako 'nong nakasalubong ko si Ate sa hagdan.
"Akala ko magre-review ka?" Bungad ko.
"May naisama ako sa gamit mo. Kunin ko na sa kwarto mo, ha?"
Tumango ako. "Kumain ka na? Breakfast muna tayo bago ka bumalik."
Ngumiti s'ya. "May naghihintay sa'yo sa baba. Namiss ka ata."
"Sino?"
"Sino ba boyfriend mo?" Tanong niya na may halong panunukso.
Bumaba ako agad ng second floor. He was seated on our couch, upon seeing me, he flashed a smile.
"Ano ginagawa mo dito?! Diba sabi ko sabihan mo akong kung pupunta ka dito!"
He kissed my lips briefly. "Good morning?"
Hinila ko s'ya palabas ng bahay. Nakita pa kami ni Ate Trish na patay malisyang nag-iwas ng tingin. Binuksan niya agad 'yong shotgun door.
"What are you doing here?"
"Can't I visit my girlfriend? More than two weeks tayong hindi nagkita, 'yan bungad mo?"
I rolled my eyes. "At least inform me. Ang aga-aga."
He chuckled then pulled me for a hug. I felt his kiss on my neck. "Sorry na. Tinext kita. I even called. 'Tsaka tanghali na, misis, 11 am na."
"Whatever!" I hugged him back.
"Kumain ka na?" Tanong n'ya. Bumitaw ako sa pagkakayakap n'ya.
"I'm about to, abala ka."
He intertwined our fingers. "Hindi mo ako yayayain?"
I remained silent. Dapat ba ipakilala ko na siya kahit kilala naman talaga s'ya? I introduced Troy before, we failed, we broke up. I don't think I would want my family to meet someone in my life that will not be constant.
Na-trauma na akong buong angkan ko ang nakakilala sa ex ko, both sides ng parents ko legal kami. Even if the Montefalco clan only approved people in our circle, tinanggap si Troy kasi nilaban ko at sinuportahan ako ni daddy. Sa Ynarez naman na pamilya ng mga lawyer, wala sila halos reaks'yon, it's casual. 'Kung mabait siya sayo, okay siya sa amin'. That's what they believed in.
"Kain na lang tayo sa ATC?" Pag-iiba n'ya.
Alabang Town Center, 'yan din dating place namin ni Troy dati, hindi kami halos lumalayo ng South kasi wala naman s'yang kotse, I always suggest my car, pero ayaw n'ya. Natuto akong sumakay ng jeep, one time sumakay pa kami ng habal-habal, halos maatake si yaya no'ng nakita ako.
"Wala akong bra." Sagot ko noong nagsimula na siyang mag-drive.
He groaned. "Bakit kahilig mong lumabas ng kwarto na wala kang bra, paano kung nakita ka ng hardinero ninyo or ng guard n'yo?!"
YOU ARE READING
Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be published
RomanceTrinabella Gail Montefalco, an aspiring lawyer, has always been the good daughter, living her life the way she was taught, believing that one chance is enough for everything, but will she change that or will that change her?