After our month-long stay in Japan, it's finally time to go home. Hinatid niya ako sa bahay sa Alabang, he went home to theirs, too. Siya na nagbigay ng mga regalo niya sa mga kamag-anak niya, I gave his gifts to my parents, as well.
A day after we landed, nasa bahay na naman siya. Ang usapan sa susunod na araw pa kami maghahanap ng condo niya, pero sabi niya may nahanap na daw kasi 'yong mga kasama niya, baka daw mahirapan kami maghanap ng malapit sa review center, mga dahilanan niya, I'm pretty sure he just missed us being together. Kung clingy ako, mas sobra siya.
"Breakfast muna tayo," yaya ko matapos kong maligo. He patiently waited in our living room, kasi nahihiya daw siyang umakyat sa kwarto.
He reached for my hand immediately, panay pa ang pagpipigpil ng kilig ng mga kasambahay namin. They were never this showy before with my ex, ngayon shipper na sila. Maybe, they knew Calix since the beginning, plus factor pang kapatid siya ni Kuya Marco at Xandro na laging nasa bahay.
"Manang, sila mommy ba uuwi kayang mag dinner dito?" Tanong ko matapos niyang iabot ang kape namin ni Calix.
"Hindi ko sigurado, anak. Busy kasi sila sa construction ng resort niyo sa Batangas." Sagot ni yaya.
"Kelan pa 'yon?"
Was I always away na ang dami ko ng hindi alam na projects nila? My dad handles the Montefalco's empire, while mom handles the Ynarez, si Kuya sa pareho na business involve.
"Early last year, sabi ng mommy mo sumama ka daw sa kanya sa Hongkong next week."
"Next week? Bakit hindi na lang si Kuya? Pupunta kaming Siargao nila Riley, eh."
"Text mo na lang siguro ang mommy mo," sagot ni yaya.
After our breakfast, we drove back to Manila for the condo hopping. First unit, ang dami niyang sinasabi na masyadong masikip, if I know ayaw niya kasi malayo na sa akin.
"Okay na 'to?" Tanong ko noong pangatlong unit na.
"What do you think? Masikip ata?" Dahilan na naman niya.
I gave him a dagger look. "Ilang buwan lang naman, panay ka masikip, 2 rooms naman na 'to."
"Aanhin mo ba ang mga kwarto? Papa-rent ka ba?!" Inis na sabi ko. Napatingin din ang broker sa amin.
He immediately went close to me. "Malayo nga sa iyo. Dapat naghanap na tayo bago tayo nag Japan."
"Ako ba ang review center? Kunin mo na 'to, or 'yong pangalawa, mas malapit sa review center mo!"
"Last? Hanap pa tayo?"
"Bahala ka." Walang emosyon na tugon ko.
Sa pang-apat parang hindi pa rin siya gano'n ka-convince, samantalang noong ako, unang unit pa lang nag-pirmahan na sila mommy at ang broker. Siya, daig pa niyang nag ko-cross examination ng client niya.
"Isa pa?"
"Calixto! Isa pang unit, iiwan na kita!"
The broker tried hard not to laugh with my outburst, umalis kami ng Alabang ng 10 am, 4 pm na, hindi pa kami kumakain, tapos isang unit pa?
"Kunin ko na 'yong pangalawa," mahinanong sabi niya sa broker. Gumilid ako at huminga nang malalim, muntik ko nang mahampas ang Chanel mini bag ko sa kanya kanina.
Habang nagpi-pirmahan sila, tinignan ko ang GC naming magbabarkada, Riley was not replying, kahit si Yca, si Xandro lang 'yong mukhang sigurado sa plano.
YOU ARE READING
Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be published
RomanceTrinabella Gail Montefalco, an aspiring lawyer, has always been the good daughter, living her life the way she was taught, believing that one chance is enough for everything, but will she change that or will that change her?