Chapter 32

530 18 0
                                    

Lumabas ako agad dahil tumawag ulit si Kuya, magkasama na sila ni Ate Trish sa condo. Uupo sana ako sa couch kaso nakatingin na naman ang mga secretaries nila, naglakad na lang ako papunta sa fire exit, malapit pala dito ang office ni Kuya Patrick.


"Ano po 'yon?" Tanong ko. Umupo ako kasi may monoblock naman doon.


"Nasa'n ka?" Tanong ni Kuya.


"Office ni Calix," I answered. "What is it ba?"


"Diba ayaw na ni mommy na ituloy ang 25th wedding anniversary nila, I'm planning to just have a ceremony na tayo-tayo lang."


"That was three years delayed, Kuya." Ate Trish intervened. 


"Still, kaya lang naman hindi natuloy kasi nagkasakit si lola," sabi ni Kuya. "I asked Dad why it didn't push through, ayaw na daw ni mommy na magplano na hindi matutuloy." 


"Well, they spent a lot, tapos namatay si lola a week before that, syempre hindi talaga itutuloy." I added.


"And besides aalis ba si mommy niyan e death anniversary nga ni lola." Si Ate Trish.


"Well, I talked with the Ynarezes, payag silang magbakasyon tayong lahat sa Balesin, sasabihin na lang daw na doon ang dasal para kay lola." Sabi ni Kuya.


"Pwede ka ba?" Tanong niya kay Ate Trish na katabi niya.


"Naka-off na talaga sa akin 'yon, nakiusap ako. Pero balikan lang ako siguro." Sagot ni Ate.


"Ikaw, Trina?" Tanong ni Kuya.


"Bakasyon naman na 'yon. So tayo-tayo lang? Or meron din mga Montefalco?"


"Susunod daw sila Tito, bale tayo-tayo lang muna."


"Okay." Sabi ko.


Lahat naman pala planado na, nakikinig na lang ako sa usapan nilang dalawa. Himala na wala si Igi sa unit ni Ate, or baka tinatago niya sa kwarto ni Ate Celine.


Halos kalahating oras din kaming nag-usap, pagbalik ko tapos na sila sa usapan nila. Golf na 'yong topic nila noong umupo ako ng swivel chair ni Calix, ilang minuto lang unti-unti na rin silang nag-sialisan.


Si Kuya Miggy na lang ang naiwan. He was looking at me like he's waiting for an update, natawa si Calix noong napansin niya ang postura ni Kuya Miggy.


"She's fine, Kuya. Just a family update." I informed him. He then smiled kindly. Tinapik niya ang balikat ni Calix bago ngumiti ulit sa akin.


"Ingat kayo." Paalam niya.


Lumapit si Calix sa akin at bahagyang hinaplos ang buhok ko. I looked up to smile to him.


"What's with the call? Everything good?" He asked, slowly.


I nodded. "Yeah. Vacation plans lang."


"Let's go home?" I asked, before I could ask him again he kissed me slowly, my eyes remained closed while my hands snaked to his neck like it's a routine of theirs.


Bago kami umuwi ng condo niya, dumaan muna kami sa isang Chinese restaurant. Konti lang pareho ang nakain namin kasi busog pa kami sa dami ng merienda-ng inorder ni Kuya Miggy kanina.


Pagdating sa condo, pinauna na niya akong maligo kasi tumawag si Kuya Patrick regarding ulit sa kaso. It took them an hour to finish, nakahiga na ako sa kama noong pumasok siya ng kwarto.


Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be publishedWhere stories live. Discover now