We first went to San Francisco, Cliff and I stayed in their house, halos museums lang din ang pinuntahan namin, I had fun taking photos lalo na noong nasa golden bridge kami, he's a good travel buddy, siya ang nag-eeffort para sa mga pictures namin.
On our last week of vacation, we went to Las Vegas. We partied like hell week was coming, kasi totoo naman malapit ng panay codal at digest na naman ang haharapin ko.
"Gosh! I'm so drunk." I said as we danced to upbeat music in a club near our hotel.
"Whose idea is this anyway?" He said, laughing. Kanina pa kami umiinom, huling araw na kasi, next week mag-aayos na ako ng condo sa Manila, nautusan pa nga namin si Niko na ayusin ang enrollment namin kasi nagloko ang system, pati ang condo ni Cliff siya ang nag-ayos ng papers, panigurado mangongonsensya 'yon pag-uwi namin.
Dahil tinatamad akong umuwi pa ng Alabang, sa condo na ako dumiretso. I informed my parents, wala naman silang reaks'yon. Katabi ko na ng condo si Cliff, so malamang may kasabay na ako laging kakain. Sa sobrang walwal ang ginawa ko sa US wala ako halos balita sa case ni Calix at kahit sa kanya mismo. We rarely talk after I left.
Nagpa-house warming si Cliff sa condo niya kinabukasan. Present naman lahat. Nagbigayan din kami ng mga pasalubong, pero halos ang nailagay lang namin sa bagahe, nasa package pa kasi ang iba.
"Iba ang US glow mo, sis." Sabi ni Kylie. Before going to San Francisco I had my hair colored with ash brown tapos may highlights na blonde.
"Ganda ba?" Natatawang sabi ko.
"Yeah. Mukha kang stripper sa Vegas." Pang-aasar ni Audrey.
"What's wrong with that? Maganda naman." Singit ni Cliff. May pag-apir pa kaming nalalaman.
"My gosh, I think you found a new twin," Niko commented. Si Riley naman busy lang na umiinom ng tequila.
We drank wholeheartedly that night, too. Alas tres na ako nakabalik ng condo ko. Noong nagising ako sobrang sakit ng ulo ko, but what shocked me was when I smelled bacon. Paglabas ko nagluluto na si Calix sa kusina ko.
"What are you doing here?" I asked while massaging my temples.
"Good morning," he said without a smile. "Oh, afternoon na pala."
I rolled my eyes. "Paano ka nakapasok?"
His stares darted like knives. "Your code is our anniversary, bakit papalitan mo ba dapat?"
Hindi ko na lang siya sinagot at bumalik ng kwarto, naligo ako para maalis ang hangover ko. Pagbalik ko sa kusina ay nakahain na ang mga niluto niya, he even ordered kansi.
"Kain na."
Umupo ako sa bar stool na katabi s'yempre ng kanya. He carefully dissected me with his stares.
"Bakit hindi ka sumasagot ng mga tawag ko?" Unang tanong niya. "May problema ba tayo?"
I just sipped on my apple juice. "Wala. Tatawag ka tulog ako doon, paano?"
He sighed, heavily. "'Yong tawag ko after ng mga post mo, tulog ka agad after mo mag-post?"
"Baka."
"Trinabella!" He slightly shouted.
I looked at him, annoyed. "Baka nga, malay ko ba. Hindi ko maalala."
"Nakaka-amnesia na pala ang jet lag, kakauwi mo lang inom agad?!"
I rolled my eyes. "Paano mo nasabing uminom ako, ha?!"
YOU ARE READING
Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be published
RomanceTrinabella Gail Montefalco, an aspiring lawyer, has always been the good daughter, living her life the way she was taught, believing that one chance is enough for everything, but will she change that or will that change her?