Nagpaalam na ako na parents ko na maaga akong aalis bukas, I woke up early to enjoy breakfast with them, gulat na gulat pa nga sila, kasi hindi naman nila kami pinipilit bumangon minsan para lang sabayan sila sa pagkain. They are always understanding, lalo no'ng nasa grad school na kami ni Ate.
"Nalagyan na daw ni yaya 'yong ref at pantry mo sa condo. Just text her if may kulang ka. I doubled your allowance, nanghingi din kasi ng dagdag ang Ate mo. Spend wisely, okay? Si Ate mo ang haba ng statement of account sa credit card niya. Panay Cartier at Chanel. You can spoil or reward yourself, 'wag lang sobra. Okay?" Paalala ni mommy.
I nodded. I wonder if ano kaya magiging reaksyon ni mommy 'pag pumasok na 'yong mga nagamit namin ni Ate noong bakasyon. Binilhan niya ng rolex si Kuya Miggy, at dahil balak n'yang hindi siya mapagalitan, pati ako inutusan n'yang bilhan si Calix. Her mind sometimes is scary.
Sinundo naman ako ni Calix, he's wearing a simple black Dior shirt paired with washed pants and a Balenciaga sneaker. Samantalang ako naka-maong shorts lang at string top, naka-slides nga lang ako.
"Saan lakad mo?" Pang-aasar ko.
He got my luggage from me. "What?!"
"Nevermind, kumain ka na?"
"Yup! You? Kumain ka na? Drive-thru tayo?"
"Sige. 'Yon na lang lunch natin." Sagot ko.
And knowing the traffic of the south, anong oras na kami nakarating ng condo, lunch time na. Daig pa namin nagpunta ng probinsya, bakit lagi na lang may inaayos ang Maynilad or yung DPWH?! Asar.
"Kain ka na, ako na mag-aayos." Sabi ko no'ng sinimulan n'yang ilagay sa cupboard ang mga pinamili namin.
Noong hindi siya papaawat, hinila ko na siya. Sumunod naman siya agad.
"Sure ka hindi ka na magri-review? Though hindi ko alam ano ang exam mo." Sabi ko matapos kong ilagay sa pinggan niya 'yong kanin at ulam.
He's gawking at me like I'd slip away from him. His eyes were fixated to me tightly. Kung may tinik lang ang ulam, wala na, natinik na siya.
"Can you just eat and stop staring."
His lips curved to a playful one. "It's a first."
"Alin?"
"Ito, ang pagsilbihan mo ako. Not that I'm saying you do that. It's just that, it made me happy. Stop making me fall for you harder, Montefalco."
"Cali, stop staring!"
He chuckled. "Sorry. Can't help it, baby."
Sa duration ng pagkain namin, hindi talaga niya ako tinigilan ng titig n'ya. I got conscious all of a sudden, feeling ko nga natatawa na siya kasi hindi na talaga ako makasubo.
"Fine, kumain ka na. Cute mo." Sabi niya bago tumayo at kumuha ng tubig namin.
After naming kumain ay siya yung nag-ligpit, hindi ko naman siya mapilit na ako na bahala. Pumasok na lang ako ng kwarto at kinuha ang regalo ko sa kanya. Nakaupo na siya sa couch noong naabutan ko.
I sat beside him. "Gift ko pala." Sabi ko sabay abot ng box.
He opened it, and wrinkled his forehead. "Why would you give me this? Ang mahal nito, baka sa allowance mo ka pa kumuha. Tss. Any gift will do."
"Ayaw mo ba? Si Ate Trish kasi binilhan niya si Kuya Miggy, para ata hindi s'ya mapagalitan, niyaya n'ya akong bumili. If ayaw mo ibibigay ko na lang kay Riley, mahilig siya d'yan e, hindi ko naman na 'yan maibabalik."
YOU ARE READING
Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be published
RomanceTrinabella Gail Montefalco, an aspiring lawyer, has always been the good daughter, living her life the way she was taught, believing that one chance is enough for everything, but will she change that or will that change her?