Chapter 25

602 12 0
                                    

I stayed in his unit for few more hours, dahil hindi na ako dalawin ng antok ay naglinis na lang ako, but what caught my attention were the polaroid photos he had, halos ako, mga tulog ako at mga byahe naming hindi ako nakatingin. I didn't know he's taking stolen shots of me, but with all of these, one thing is evident, I was genuinely happy.


Trinabellagailmontefalco: Sent photos.

Calixluissilva: Ganda mo, ano?

Trinabellagailmontefalco: Creepy mo. You enjoy watching me sleep, ugh ang pangit ko sa iba!

Calixluissilva: May times na pangit ka? I didn't know that. Kahit bagong gising maganda ka sa akin e.

Trinabellagailmontefalco: Bolero. Sige na. Work hard.

Calixluissilva: Hahahaha iba ata 'yong..

Trinabellagailmontefalco: Manyak. Sige na. Bye. I'll see you when I see you.

Calixluissilva: Text me when you're home. I love you, baby!


Sinundo naman ako ng driver ng bandang alas diyes ng umaga, we first went to Taguig. Dahil medyo lunch time na ay sinabihan ko na muna ang driver na mag-order ng lunch niya.


"Hi, ma'am! Si Sir Calix po hindi ninyo kasama?" Tanong ni June, na Juna ang name dahil part ng LGBTQ. Patay na patay siya kay Kuya Miggy at Calix, tinatawanan ko na lang kasi harmless crush lang naman.


"Nasa firm sila. Can you just send directly the sales and inventory reports to my email? Busy kasi sila, muntik ng ma-doble ang order natin."


"Ah, sige ma'am. Sabi kasi ni Sir Calix baka busy kayo. Bait ng jowa niyo ma'am. Prayer reveal naman diyan." Natatawang sabi niya.


"Wala naman akong pasok ngayon. 'Tsaka tambak ang kasong hawak niya."


"Siya pala abogado ng kabit, ma'am. Tingin mo maipapanalo ni Sir Calix 'yon? Parang walang ibang suspect e." Biglang banggit niya.


I smiled. "Innocent until proven guilty."


"Sino pala naka-assign sa marketing strategy next month? May kid's summer camp dito diba?"


Tinignan niya ang notes niya. "Ah, si Mariam, ma'am."


"Update ninyo na lang ako. Wala kami next month, e."


"Magbabakasyon kayo ni sir, ma'am?" Nakangiting tanong niya.


"Yeah. US. Sabihan mo pala ang mga workers, order sila kahit ano ngayon, kahit mag-uwi sila, put it under my name."


"Grabe ang bait niyo, ma'am! Maganda ka na mabait ka pang boss. Pero may tanong ako, ma'am."


"Ano?" Tanong ko kahit tinitignan ko ang mga papers sa harap ko.


"Ini-stalk kasi namin ang IG ni Sir Calix, tapos ang kasama niya sa post si sir Miggy tapos naka-akbay siya sa isang girl tapos kamukha mo, ma'am."


"Ate ko. Ano tanong mo?"


"Girlfriend ni Sir Miggy ang ate mo, ma'am? Iba kayo, ma'am, mag best friend ang nakuha ninyong magkapatid." Seryosong sabi niya.


"Ex. Wala na sila. Kayo ano-ano pinag-uusapan niyo. Don't talk when Kuya Miggy is around, baka matanggal kayo." Pagbabanta ko. Natigilan siya at parang natauhan.


"Hindi naman talaga kami nagsasalita 'pag dumadaan siya dito, ma'am. Mas nakakausap pa namin si Sir Calix, pero alam ko na bakit mag best friend sila, ma'am."


Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be publishedWhere stories live. Discover now