Chapter 26

555 13 0
                                    

Before I go to the US, we went on a date pero hindi man nga namin natapos kasi biglang may tumawag sa kanya dahil may lead sa kaso niya. He offered to bring me home first, pero tumanggi ako at sinabihan ko siyang hihintayin ko na lang ang driver ko.


Hindi na kami ulit nagkita pagkatapos noong date na ilang minuto lang ang tinagal, a day after that, I went to LA with my cousins and with Cliff.


We stayed in the Ynarez rest house in LA. We all have our rooms here, kaya si Cliff lang ang inihanapan namin ng kwarto, dahil malayo ang kwarto para sa mga bisita, ginamit niya ang kwarto ni Kuya. I asked Kuya first, okay naman.


"Saan tayo bukas?" Tanong ni Ate Angel.


"Cali Adventure?" I suggested.


"Sure. Disney muna." Sabi niya.


The next day we went to Disney first. Bumili muna kami ng headband bago mag-start sa mga rides.


"Bagay sa 'yo," sabi ni Cliff nung sinuot ko yung pastel na minnie headband.


"Alam ko," pagmamayabang ko. Pareho kaming natawa noong sinuot ni Kuya Grayson ang binili ng girlfriend niya. Kasama rin kasi namin ang mga jowa nila.


"Under," natatawang sabi ni Cliff.


"Ganyan ka rin 'pag nagkaroon ka." Sabat ko. Nagtinginan kami sabay tawa ulit.


"Kawawa si sadness, oh. Wala man lang pumupunta sa kanya." Reaks'yon ko.


Natawa siya. "Grabe, ganyan ka ba talaga? Kanina naawa ka rin kay Anna."


"Sira, wala si Kristoff niya. Paawa si Ate." Sabi ko kaya tawa siya nang tawa.


"Tara doon, oh." He pointed to another ride.


"No way. Nakakahilo diyan." Sabi ko. Pero wala ako nagawa kasi hinila talaga niya ako. Paglabas namin halos matumba ako sa hilo.


"Bwisit ka! Muntik na akong mamatay doon."


He chuckled. "Buhay ka pa naman. Panay salita."


Hinampas ko siya. Dahil iniwan nila kaming lahat, kaming dalawa lang ang kumain. Sa sobrang galing niyang manghila sobra ang gutom ko dahil sa pagod.


"Lakas mo kumain." Komento niya.


"Dati kasi akong kargador," sabat ko agad. "Akala mo naman konti ka kumain."


"Well, compared to you, I eat less." He pointed out.


"Dati konti lang ako kumain. Pero noong naging kami ni Calix lumakas ako kumain, ang gana kasi niya minsan."


"Naghanap ka pa ng dahilan," natatawang sabi niya. Inirapan ko na lang siya.


Dahil nasa Cali Adventure na daw sila, lumipat lang kami. We tried few more rides, ako lang ata mamamatay sa mga gusto nilang gawin, all of them were game.


At night, we went to our favorite seafood resto. Sobrang ingay namin kaya tinitignan na kami ng ibang mga table na halata namang mga Pinoy din.


It was past 11 pm when we arrived home. Agad namang tumawag si Calix. I answered it while walking to my couch, I mentally checked the time, probably around 7 am in Manila.


"Late ka na! Hindi ka pa naliligo." Bungad ko.


Natawa siya. "'Yan agad bungad? Wala man lang 'namiss kita'?"


Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be publishedWhere stories live. Discover now