Chapter 11

749 20 1
                                    

The next day, we just fixed our bags. Nag-order na lang kami ng pagkain kasi uuwi na rin naman kami sa bahay nila sa Alabang.


"Daanan natin 'yong tea cup set sa bahay. Dumating na daw sabi ni yaya." Paalam ko sa kanya. Tumango lang naman siya at nagpatuloy sa pag wowork-out. We were so comfortable with each other already, sometimes he walks in front of me with just his boxers on, if yaya would see us, she'd immediately pray the rosary.


Inabot ko ang tuwalya no'ng natapos siya. Kinuha naman niya, dumiretso naman ako sa kusina para tignan kung okay na ang nilagay ko sa microwave na pagkain namin. Almost six months of living with him, alam ko ng hindi siya nakakakain ng hindi mainit ang kakainin niya. If I get upset stomach if I eat faster, siya sumasakit tiyan niya kung hindi mainit.


He told me that he'll just take a shower first. Chineck ko naman 'yong GC if may ganap, usually naman asaran lang.


Paglabas niya naka Versace t-shirt siyang black 'tsaka pants na khaki ang kulay. Napailing na lang ako, uuwi lang poporma pa?


"What?"


"Your attire could feed how many street children," I commented.


"Here she goes again with… her humanitarian reasons. I didn't buy this, tell that to mom." He uttered, slowly.


"I'm just saying," I added. "Kain na."


"Fine, I'll limit my expenses in clothing. Pero wala akong magagawa sa mga binibili ni mommy, that's beyond my control. Magtatampo lang 'yon kung sisitahin."


I smiled. "Takot ka sa akin?"


"I'm avoiding a fight, especially if it's petty." He answered.


"Nevermind my comment. It's not like galing sa akin or sa tax ng bayan 'yong pinambili mo."


He pursed his lips, like he's trying to consider every angle of our conversation. "From now on, you'll filter my expenses, Ms. Accountant."


Inirapan ko siya. "Bibigyan mo pa ako ng trabaho."


"Balak din ni Miggy mag business ng resto. Tingin mo ano pwede?"


"Fast food mas okay, sila Kuya Marco diba successful naman? Saan ka naman kukuha ng budget, aber?"


He crossed his arms on his chest while his lips curved into amusement. "Just so you know, girlfriend, I have my own franchise of Chowking. Mom gifted that on my 21st birthday."


"Kaya na nga kitang buhayin, eh." Sabi niya sabay kindat.


I faked vomit. "Ano kita sugar daddy? Kadiri ka. I can spend for myself."


"Ang bata ko namang sugar daddy mo. Sugar boyfriend? Come on, let me spoil you, I wanted to do that. Tell me what you need or want, I'll give you my card for that."


"I have my own cards. Thank you very much." I annoyed him more.


"Then, I'll randomly buy you gifts. Or if ayaw mo, magpapatayo na ako ng bahay natin."


Halos mabuga ko 'yong tubig sa mukha niya. He helped me as I coughed, bakit ang bilis niya mag-isip? Ang bata ko pa! Ang dami ko pang gustong gawin.


"I'm not saying we'll marry tomorrow. Matagal pa. But, I want to be worthy of you. I'll save, then ask dad's help in building our home, then I'll build more business for our other needs."


Right! May sarili nga pa lang construction firm ang mga Silva. They own buildings around the metro, too. Sila pa nagtayo ng condo building nila daddy, even sa mga restos ng family ko sila madalas ang contractor.


Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be publishedWhere stories live. Discover now