The small travel from the subdivision's gate to their own gate was excruciatingly fast. Halos mamawis ako sa kaba. Calix was reassuring me all throughout.
Si Xandro ang nauna naming nakita. He playfully smiled upon seeing me. I rolled my eyes which made him laugh even more.
"Tss. I thought no crossing of lines," he started. "Ang rupok mo, Montefalco."
Nilahad niya 'yong palad niya. "The deal is still valid."
Tinapik agad 'yon ni Calix. "I'll send it to your account, just don't tease her. Para kang gago!"
Xandro hugged me. "If he hurt you in any way, tell me. I can break his bone for you," he said in a whisper.
Agad naman kaming pinaghiwalay ni Calix. "Tama na 'yan. Bakit may payakap-yakap ka pang gago ka!"
Natawa si Xandro, at lalo pang nang-asar. "Una ko siyang naging best friend bago mo siya naging girlfriend, ang OA mo, Kuya."
"Exactly, best friend ka lang. Walang yakap-yakap, sapak baka gusto mo?!"
Napailing na lang ako sa pagiging possessive niya, pero gwapong-gwapo ako 'pag nainis siya. I'm the weirdo here.
Nauna kaming pumasok ni Calix, may tumawag kasi kay Xandro. Agad din naman naming nakasalubong ni Kuya Marco na kakababa ng hagdan.
"Hi, little sister." Kuya Marco teased me. "Wait, dapat ba Ate na tawag ko sa 'yo?!"
Ugh! I knew it. Alam na alam kong ipang-aasar niya sa akin 'to. Napailing na lang ako.
"Gago, Marco! Isa pang asar, sapak na makukuha mo." Galit na sabi ni Calix.
"Chill, Kuya. I thought Trish was just joking about you two. Pero no'ng nakita namin kayo, medyo naniwala na ako. And, parang tanga si Kuya sa Cebu na naghihintay ng tawag o reply."
"Marco!"
"Tss. Ang OA mo, Kuya. Sinasabi ko lang naman sa kanya." Sagot ni Kuya Marco.
He hugged me. "'Pag niloko ka niya, tell me. I can punch him for you, nakakatakot ang Ate mo, bantayan ko daw kayo."
"Panay ka kagaguhan." Sabi naman ni Calix at pinaghiwalay kami ni Kuya Marco.
"Nasan si mommy? Si Kuya?" Sunod-sunod na tanong ni Calix. Inabot din niya sa kasambahay ang mga dala namin.
"Kitchen. She's so excited. Akala daw niya magiging matandang binata ka."
"Tss. Sinabi niya rin 'yan kay Kuya noon, mas matindi pa sa 'yo, baka daw magpapalahi ka lang." Sumbat ni Calix.
"Tss. Loyal ako, 'no!"
"Hindi tayo sigurado, malandi ka bago dumating si Yna." Supalpal ni Calix.
"Akala mo naman banal ka, Kuya."
Natawa naman ako kaya napatingin silang dalawa. I didn't think na ganito sila mag-usap.
"Tignan mo, girlfriend mo, alam gawain mo." Nakangiting sabi ni Kuya Marco.
"Ulol!"
Dumiretso naman kami ni Calix sa kitchen area nila. Iniwan namin si Kuya Marco sa living area nila na katawagan si Ate Yna.
"Hi, hija." His mom immediately hugged me. "Tss, ikaw lang pala magpapatino dito, edi sana noon pa lang madalas na kitang niyaya dito. Kila Riley kasi kayo tumatambay nila Xandro lagi."
YOU ARE READING
Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be published
RomanceTrinabella Gail Montefalco, an aspiring lawyer, has always been the good daughter, living her life the way she was taught, believing that one chance is enough for everything, but will she change that or will that change her?