Chapter 37

500 14 0
                                    

Dahil tinatago namin ang plano namin, I only wore the ring once, 'yong mismong gabi, 'yon lang. Naintindihan naman niya, he knows my mom will freak out kahit suportado naman kami.


For the anniversary of our business, it was a success. May ilangan nga lang kami ni Kuya Miggy kasi parang may gusto siyang tanungin pero nahihiya siya, I know it's about Ate Trish, ang dami kasing naka-tag na pictures noong kasal nila mommy, of course he'll wonder, but he remained silent the whole day.


Balik sa normal naman matapos ang bakasyon, gano'n pa rin ang set-up namin, uuwi lang siya sa akin or susunduin niya ako sa condo matapos ang huling klase ko ng Biyernes para magkasama kami ng weekend, we settled for that.


"Mahirap daw magpa-exam si Atty. Gozon sabi sa frat," biglang banggit ni Niko, nasa Tim Hortons kami ngayon para sa final exams namin bukas. Huling exam na lang, road to 4th year na kami. Ang bilis lang pala, or lagi naman kasing mahirap ang araw-araw kaya nasanay na kami.


"Samplex ba?" Tanong ni Audrey. "Pagod na ako. Antok na antok na ako."


"'Yong iba daw. Pero may taon daw na binago lahat, kahit isang question walang naulit." Sagot ni Niko.


Hinilig ko 'yong ulo ko sa balikat ni Riley. "I'm so tired, I wanna sleep."


Inayos naman niya 'yong braso niya sa likod ko. "One last."


"After ba bukas saan tayo?" Singit na tanong ni Cliff.


"Let's try the new pub in Poblacion?" si Niko. "Nagbabalak din 'yong block, suggest ko 'yan?"


Pumayag na lang kami. I need to text him na 'wag ako sunduin bukas, I need a drink also. Inabot kami ng 4 am sa coffee shop, umuwi kami na halos ang dami ng nagja-jogging sa labas.


From: Cali

Baby, what time should I pick you up later? Good luck on your finals, my topnotcher!

To: Cali

We'll go sa pub later, eh. Pahatid na lang ako kay Riley. Huhuhuhu, I'm not confident though, wala na akong maalala.  Mahirap ba talaga finals kay Atty. Gozon?

From: Cali

Which pub? Kaya mo 'yan, wala pa man sobrang proud na ako sa iyo. Don't rely on samplex, minsan wala siyang kinukuha do'n, just read your notes.

To: Cali

May kaka-open daw sa Poblacion, baka doon. 

From: Cali

Poblacion, Makati? Or Alabang?

To: Cali

Silly, syempre Makati. I think it's near your place. Uwi ako after. Can you pick my clothes here sa condo later?

From: Cali

Okay. Susundiin kita after your bar escapade. Just text me. Naka-pack na ang damit mo?

To: Cali

Hindi pa. I don't have time. Pick ka na lang.

From: Cali

I prefer you naked though.

To: Cali

Shut up! May plans ba tayo?

From: Cali

Kasal tapos baby agad.

To: Cali

Not that! Tss. Panay biro. For my vacation. Makakapag-leave ka ba?

Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be publishedWhere stories live. Discover now