Chapter 36

506 15 0
                                    

Dahil ata sa pagod, halos hindi namin namalayan na nakatulog kami matapos niya akong tanungin bakit na-late ako ng dating. He was calm, like he was always every damn time we had a misunderstanding. Ano pa ba hahanapin ko?


"Good morning," I smiled then kissed him softly. "Still mad?"


He shook his head, "Did you lie?"


"No. Sabi talaga ni Kuya, immediate family lang. Nandoon ang girlfriend niya kasi fiancee naman daw, tss. Then, si Kuya Igi nando'n 'yong family niya, tapos diba pinsan niya si Cliff, niyaya na sila ng mga pinsan ko. Only if I knew, sinama kita."


"Then, I'm not mad. You didn't lie, I'm fine with that," he said with finality. "You got tanned."


"Pumangit ako?"


Ngumiti siya. "No. You look hot."


"Saan tayo mamaya?"


He smiled, dearly. "Hotel. Doon na lang natin salubungin ang taon."


Hinaplos ko ang mukha niya, how I missed him. Damn. "I missed you, sobra."


"Bakit hindi ka nagrereply?" Matapang kong tanong habang nagluluto siya ng agahan namin.


"I did reply, right?"


"Sobrang ikli. Ilang beses lang," reklamo ko. "Were you busy?"


"Yeah. I'm sorry."


I scoffed. "Even busy to reply and text me?"


He faced me with a spatula on his right hand while his other hand rested on his left hip. "Fine. Nagselos akong kasama mo siya. But, I don't want us to fight when you're not even beside me. Ayoko ng away na ang layo mo, paano kita susuyuin 'pag nagtampo ka?"


Hindi ko na mapigilang tumayo at yakapin siya. "I love you."


"So, 'pag fiancee immediate family na 'yon?" Biglang tanong niya habang kumakain kami. How I missed having breakfast with him, ang simple lang pero ang kagalakan ko sobra.


I sipped on my coffee. "Siguro? I mean, they'll marry next year ata. I'm not sure."


Tumango lang siya at may halong ngisi. Hindi ko na lang tinanong kasi nagugutom din talaga ako.


Bago kami tumuloy sa hotel ay pinuntahan muna namin ang business namin sa Taguig. Our branch manager, Juna, was waiting for us with a playful smile. Baliw talaga ang gaga, kung landiin si Calix sa harap ko pa talaga, pero imbes na mainis ay natatawa pa ako.


"Gumanda ka lalo, ma'am." Bungad niya sa akin. Bumati din ang ibang mga empleyado.


"Ikaw sir, syempre, gwapo at hot pa rin." Nakangiting dagdag niya. Unang umakyat sa office si Calix kasi may kukunin lang naman kaming report.


"Na-receive niyo ba ang mga regalo niyo? Tama bang pumasok ang 13th month pay niyo? 'Tsaka 'yong bonus?" Sunod-sunod na tanong ko habang chine-check ko 'yong kitchen.


"Na-receive namin, ma'am. Grabe swerte namin sa inyo, ma'am. Sobrang laking tulong." Sagot niya.


"Well, you guys worked hard this year. Gusto rin ni Kuya Miggy na ganoon lalo unang taon naman." Paalam ko.


Umakyat na ako sa office, nakakunot ang noo niyang binati ako. I frowned, too.


"Ikaw parang pinamimigay mo ako," pagrereklamo niya. "Tss. Hindi ka man lang nag-react."


Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be publishedWhere stories live. Discover now