Just last year, noong si Jessa na 'yong pinag-aawayan namin, dapat ay inalis na siyang secretary ko, but Dominic asked me to just extend her employment with me, ayoko ng away, pero kung mangonsensya ang gago na kawawa naman daw 'yong tao, aalisan ko ng trabaho eh nagrereview daw 'yon para sa bar, gusto ko na lang ihampas ang folder ko sa kanya. Tangina! Ano pakialam ko sa lahat, si Trina lang ang iniisip ko.
Pero dahil sabi naman ni Dominic na depressed daw si Jessa at hindi makakatulong na alisin ko siya sa trabaho ay parang nakonsensya ako. Pero sa mga nagdaang mga buwan iba na pakiramdam ko sa tungo ni Jessa sa akin, mas agresibo siya, minsan ibabalik lang niya ang folder sa akin ay hahawakan niya pa ang kamay ko.
I remembered shouting at her when she told Trina that I was taking a shower, dahil sa isang araw na 'yon, nag-iba si Trina. She trusted me less, kung pupuntahan ko siya ay nagpapanggap siyang maraming kailangang gawin, and I don't even remember when was the last time she made love with me.
Takot na takot akong iwanan niya ako, kaya sinunod ko siya noong sinabi niyang 'wag ko siyang pupuntahan sa hotel para sa bar month niya. I planned how I will be taking care of her needs just like how she did when it was my time. Pero ayaw niya, kahit hintayin siya sa huling linggo ng exam, ayaw niya.
Kaya nagulat ako noong kahit anong nangyari ay gusto pa rin niyang pakasalan ako. When she made love with me on our 4th anniversary, halos hindi ko mapigilan ang sarili ko. I missed her damn much, kulang ang isang araw para punan ang mga lumipas na araw at buwan na hindi kami okay.
I promised her that I will not leave her before our wedding. But, mom insisted I get the case of her amiga's son. Dahil ayaw kong magtampo si mommy sa akin, I decided to just accept the case, it was a hard one, considering that I'm flying almost every week to Cebu to get evidence and for the trial, si Franco at Dominic ay kasama ko rin. Dahil nakokonsenya akong si Trina lang nag-aayos ng kasal namin, I asked the two to take over.
Noong pauwi na kami ay natapunan ng ketchup si Jessa, the closest condo was mine, nakiusap siyang magpapalit siya sa unit ko, I was hesitant at first, pero si Dominic ay nagsabi ring makiki gamit ng banyo.
I told clearly to Jessa to use the spare room's bathroom, tinuro ko pa 'yon bago ako lumipat sa kabilang condo na binili ko last month, my plan was to have a door in between two units, hindi pa kasi matatapos ang bahay namin ni Trina agad, at ayoko namang masikipan siya sa lugar, though one unit was spacious enough, I searched online that pregnant people get easily irritated, at base sa plano, by June we'll try to conceive, at sabi ni daddy late December to early January next year will be the target completion date.
Akala ko nakaalis na si Jessa sa unit ko, kasi unang umalis si Dominic, pero nagulat ako na kasabay ng pagbukas ng pinto na iniluwa si Trina ay ang paglabas ni Jessa sa pinto ng kwarto namin ni Trina. That day was my nightmare, the love of my life left me. Halos mabaliw ako sa bigla niyang pag-alis. Even Xandro punched me when he heard what happened, si Riley ay parang gusto akong saktan. I can't blame them, their best friend chose to leave the country for good, at pati sila hindi kinausap.
"Tangina, Calix! Pumasok ka nga sa trabaho. Hindi babalik si Trina kung ganyan ang itsura mo! Isang buwan ka pa lang iniwan daig mo pang nawalan ng asawa ng isang dekada. Fucking go to your office, tambak na 'yong trabaho mo!" Sigaw ni Miggy, this asshole rarely shouts, but when he does, daig niya pa boses ni Trish.
"I don't wanna see Dominic's face! Kasalanan niya lahat 'to! Fuck, sinabi ko na nga kasing may topak ang babaeng 'yon! Tangina! Kung hindi niyo mababalik si Trina dito, hindi ako babalik sa opisina."
"Gago ka pala, eh! Anong balak mo sa mga kliyente mo?! Kung ako si Trina hindi kita babalikan! Umayos ka nga! When Trish broke up with me, you fucking told me to wait, pwes gawin mo din para kay Trina. Hintayin mo 'yong tao, of course she's hurt, let her heal."
YOU ARE READING
Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be published
RomanceTrinabella Gail Montefalco, an aspiring lawyer, has always been the good daughter, living her life the way she was taught, believing that one chance is enough for everything, but will she change that or will that change her?