Chapter 44

531 14 1
                                    

Days that came next were like my living hell. Halos araw-araw nag-aaway kami. May araw na papatayan ko na lang siya ng tawag kasi napupuno na ako, he was patient, pero ramdam ko ang tampo niya na ayaw ko pang simulan ang bahay. I was hesitant because I'm having doubts of marrying early. Dati naman okay lang sa akin, pero sa mga araw na lumilipas parang gusto ko munang 'wag magmadali.


Patong-patong ang stress ko, kasabay ng pagrereview ko ng bar ang walang katapusang tampuhan namin. Dagdag pang nagseselos ako sa secretary niya, una ang sabi niya aalisin niya sa trabaho, biglang ililipat ng lawyer hanggang sa hindi daw niya pwedeng alisin kasi may kontrata.


Ang it's not helping that I'm seeing that girl in my review center, iisa lang kami ng pinapasukan. Her stares of me was annoying, like she's testing me and my patience. Minsan pati ang mga kabarkada niya kung tignan ako parang naawa sila sa akin na natatawa. 


"Nasaan ka?" Tanong ko kay Calix noong narinig kong tumawag siya kay Jessa. I heard the bitch giggles in the bathroom.


"Office, saan pa ba?"


"Sigurado ka?"


He deeply sighed. "Ano na naman 'to? Kababati lang natin kahapon. May nagawa na naman ba akong hindi mo gusto?"


"Sino kausap mo bago ako?"


"Ha? Saan? Personal or phone?" Nagtatakang tanong niya. Cliff was looking at me while reading his notes. Wala ang ibang mga kaibigan ko.


"Both."


"Personal si Miggy, kakalabas niya ng office ko, sa phone si mommy, nangangamusta."


"Bago si tita?" Tanong ko ulit. I'm starting to hate myself.


"Si daddy. Ano daw plano natin. Ano pa? Bago si daddy? Can I just send my phone logs to you?"


I cried silently. "No need. Bye."


Cliff offered a handkerchief. "Kaya mo bang mag-bar na ganyan ka? Araw-araw umiiyak ka."


"I don't know. Nababaliw na ata ako, Cliff. Lahat na lang pinagseselosan ko. Napapagod na rin ako."


"Then, let go."


I shook my head. "I can't. Hindi ko kayang wala siya."


"Pero unahin mo muna ang dapat mong unahin. Hindi ka hihintayin ng bar exam. I'll let you cry, but please, I'm begging you, mag-aral ka. Hindi ko kayang makita kang umiiyak kapag nilabas ng SC ang resulta."


I nodded. "Help me?"


"Always."


On the fourth month of review, he rarely shows up in Riley's unit. Hindi ko alam anong ginagawa niya, napagod na akong magtanong. I followed Cliff's advice, I studied like crazy. Kung tatawag siya habang nagbabasa ako, hindi ko na sasagutin. I was that focused, siguro tama namang unahin ko ang sarili ko.


"Pwede tayong kumain sa labas?" Tanong ni Calix noong pinuntahan niya ako sa review center.


"Magre-review kami," sagot ko agad. "Hatid mo na ako sa Tim Hortons."


"Baby, kahit five minutes lang," pagpupumilit niya. "Kahit mag-alarm tayo."


"No. Hatid mo na ako. Talk while you drive."


"Okay," he conceded. "Kamusta?"


"Fine," I answered while I read my notes. He drove slowly. "You?"


Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be publishedWhere stories live. Discover now