Sabay kaming pumasok ni Cliff sa unang araw ng pasukan, akala ko gaya ng dati walang gagawin sa unang linggo, mali pala, unang araw recit agad. Buti na lang hindi ako natawag, si Riley ang unang natawag, pero confident si gago, nasagot niya lahat.
"Mas matalino ka ngayong single ka," pang-aasar ko. Imbes na umuwi pinuntahan namin 'yong coffee shop na bagong nahanap nila Kylie. Mas okay kaysa sa mga malalapit sa school.
"Bakit dito tayo? Walang cute na med student dito." Sabi ni Audrey matapos niyang ibaba 'yong order namin, sila ni Niko ang nag-order para sa lahat. Nasa pagitan ako ni Riley at Cliff.
"Sumbong kita," natatawang sabi ni Kylie.
"Kanino naman? Samahan pa kita." Sagot ni Audrey. Nagkatinginan na lang kami ni Cliff at simpleng natawa.
"Mag-start na ba kayo sa digest?" Tanong ni Niko.
"Baka. Ang dami eh, ipa-pass daw after sem, tama ba?" Tanong ko.
"I don't know. Mas madalas daw hindi pumapasok si judge e, free cut lagi."
By 3 am umuwi na kaming lahat, since lagi namang may dalang kotse si Cliff sa kanya na ako sumabay, tuwang-tuwa pa nga si Riley kasi out of way 'yong condo niya.
"Turuan mo nga ako mag-drive." Sabi ko matapos namin dumaan sa Mcdo.
"Why?"
"I mean, tignan mo kung wala ka or si Riley or si Niko, mag ga-Grab ako, ang scary na 'pag gabi."
"Boyfriend mo?" Tanong niya.
"Hindi ko na inaasahan. Busy na 'yon. Dati siguro nasusundo pa niya ako, ngayon tambak na rin cases niya."
"He'll bring you home if you'd only ask."
I looked at him. "I don't like being inconvenient to people."
"He's your boyfriend." He said as a matter of fact.
"Regardless, busy na 'yon."
"Wala na ba 'yong security detail mo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Pinaalis ko na kay daddy. Mukhang safe naman, 'tsaka ang weird kaya. Ano ako anak ng Presidente?"
Tawa siya nang tawa. "Bentang-benta sa akin mga banat mo."
"Crush mo lang ako." Sabi ko, pero pareho kaming natawa.
Pag-uwi ko ng condo nasa couch si Calix at may binabasang mga papel. Agad siyang ngumiti noong nakita ako. Naglakad naman ako agad palapit sa kanya.
"Bakit nandito ka?" I kissed him.
"Hindi ako sanay na hindi ka nakikita. Mag-uwian na lang ako dito."
Umupo ako sa tabi niya. "Mapapagod ka. Ang traffic kaya, from Manila to Makati ilang oras na 'yon, lalo 'pag rush hour. 'Wag na papagurin mo lang sarili mo."
Ngumiti siya at niyakap ako. "Okay lang. Ikaw naman 'yong uuwian ko."
"Kunyari kinilig ako. Just go here during weekends, or ako pupunta sa iyo. Papagurin mo lang sarili mo." Ulit ko.
"I'm fine." He argued.
"May gagawin ka pa?" Tanong ko matapos kong maligo.
"Wala na. Hinihintay lang kita."
YOU ARE READING
Flames and Vengeance (South Series # 1) COMPLETED- To be published
RomanceTrinabella Gail Montefalco, an aspiring lawyer, has always been the good daughter, living her life the way she was taught, believing that one chance is enough for everything, but will she change that or will that change her?