Xyra
"Hey.." he whispered in my ears.
"Hmm?" yapos all you can ang promo ngayong araw na 'to!
Woohoo!
"I have something to tell you."
Ayoko... Ganito na lang tayo. Feeling close.
How far would you get if you knew everything? Makausap pa kaya kita ng ganito kalapit 'pag nalaman mo na?
Malamang..... hindi.
I tightened my held on him.
Sulitin na natin ito. Minsan lang e.
"Do you know Mistress Yani?" tanong niya.
Tumango tango lang ako sabay singhot. Nyehehehehe. Nagbibinata ka na Xyra! Holo! Binata?!
I felt him chuckle before he caressed my hair.
Nyanyanya!
"She's my sister."
Napabalikwas ako. "Sister? You have -- another sister?"
Wala naman sinasabi si Yna a? Sabi niya dalawa lang sila ng Kuya niya.
Tumawa ulit siya. Amused and surprised of my reaction.
"No." he tucks my hair behind my ear.
Feel ko maging bulati na nangingisay dahil sinabuyan ng asin! Mwahahaha!
Wait. Kalma Xyra, kalma.
"Yani... Is Yna.", napataas ang kilay ko.
"What? Nagbibiro ka ba?"
Tumango tango lang siya.
Hala. Nawala na ako. Tumango ba siya dahil totoo o tumango dahil nagbibiro siya.
"We've been here for two weeks now..."
Ha?!!!! Nanlalaki na ang mga mata ko. Two weeks?!! Kasabay namin?!
"We planned all of this..."
"Teka teka.." pigil ko sa kanya habang tinataas ang kanang kamay ko sa mukha niya.
Yani.. Yani.. Yna.. Yna..Two weeks.. Two weeks.. Two weeks.. Plinano.. Plano.. Plano..
Inulit ulit ko sa ulo ko para maprocess ng utak ko na kanina ay kinikilig.
Ano daw?????????????
Kumunot ako at tumawa siya. I glared at him.
Abnormal talaga. Gulong gulo na nga ako pag-p-process ng mga sinasabi niya tapos tatawa tawa pa.
"Patapusin mo kasi muna ako." he said.
"I told Yna to act as mistress Yani. To ask you to design for her so called party here in our mansion in Barcelona--"
"Inyo ito??!", bakit pa nga ba ako nagtatanong.
"Tsk.. Patapusin mo sabi muna ako. Saka ka magreact."
"Kaya pala alam mo ang lugar na ito?!"
"Ang kulit. Hahalikan na talaga kita 'pag hindi ka pa tumigil."
My eyes widen, but I immediately recover from my shock and glared at him.
Syempre, tumawa na naman ang gwapo na nilalang.
Nagpatuloy siya.
"Mahahalata mo kung ikaw lang ang iimbitahin ni Yna. Kaya inimbita niya na rin yung si Emerald at si Mama Ana. Well, everything went according to my plans. Yun nga lang text ka ng text. Tsk. It's hard to ignore your messages you know?", medyo naasar siya pero natawa ako.
Ehem, yung kilig cells ko.. teka, kinikilig pa 'ko. Hindi niya daw ma-ignore ang messages ko? Ugh, kilig pa moooooore!
"Hindi ko pa sana balak magpakita sa 'yo kanina. I was waiting for the party to end. But I told Albie to get your friend out of my way in case na hindi na ako makatiis at puntahan na kita..." si Emi ba ang tinutukoy niya?
So si Albie yung kanina??!! Yung mala-hercules?!! Bwahahaha! Hindi ko agad nahalata!
"Yet I saw you walking upstairs. Mukhang hindi ka na babalik sa party.. So I went to stop you..... Princess.. I organized this party for you. For your birthday."
I stared at him.
He did this... For me??? So kunwari lang na nagagalit siya dati?? My gosh!!!!
He really loves-----....ehem...Aryx....
"That's so sweet..." sabi ko na lamang. Kahit na kabaliktaran ang gusto kong sabihin.
Shit. Bwisit kang luha ka, 'wag kang papatak! Leche. Bakit ba ako naiiyak? Dahil sa para ito sa kapatid ko at hindi para sa akin? What kind of reasoning is that?!
"Are you crying?", medyo maluha luha na kasi ang mga mata ko.
"I'm....just overjoyed. Thank you my prince--" and before I could finish my sentence, he already wrapped me with his warm embrace.
Natuluyan na. Bwisit bwisit bwisit.
I wiped my tears with the back of my hand before I hugged him back.
'Cha, ikamamatay ko talaga ito. Backout na ba?
Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nang-t-tyansing o pati na rin siya, sa higpit ng yakap niya.
"I love you..", he whispered.
Just instantaneous to his declaration of love, the fountain opened and crystal like water appeared, while Different lights lit up lighting every corner of the garden. Now everything looks magical and perfect.
"Oh my gosh." I whispered as the lights dances, ang ganda.
I felt him smile after hearing what I've said.
Paano ka ba naman hindi magkakagusto sa isang lalaki na kasing gwapo at sweet nito?
Bigti na!!!
Sige na nga.. Aangal pa ba ako? Yakap na lang kung yakap.
"Ehem ehem.."
Ang sarap sarap ng yakap ko e may istorbo. Minsan na nga lang makatiyansing mauudlot pa?! Hindi pwede.
"Ehem ehem...." may naglinis ulit ng lalamunan.
Bahala ka diyan. Inom ka lagundi para mawala yang lintek na bara diyan sa lalamunan mo. Moment crusher!
Tumawa na si henry kasi hindi talaga ako lumalayo sa kanya.
Naman, isa pa ito. Patol dun sa kung sino man na anghel na naputol ang pakpak kaya nambubulabog!
"Princess...." hindi hindi hindi. Naman! Kulang na lang ay mag-pout ako. Ayokoooooo paaaaaaa.
He loosened his hug.
"Tsss...", halata naman na badtrip na 'ko di ba?
Tumawa si Henry.
Oh golly. Tiyansing na yun e! Naging bato pa! Sino ba itong ibibili ko ng isang linggong supply ng lagundi --
"Emi?!!!"
Ngising aso pa si Emi na nagsalita.
"Hi......ARYX."
BINABASA MO ANG
My twin's boyfriend
Romance"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala ng namayapa mong kakambal na kahit kailan ay Di mo nakilala? Magulo ba? Yan din ang iniisip ni Xyra n...