Chapter 29

210 9 0
                                    

Henry's POV

(A day before Xyra woke up.)

"Xyra... princess.. please, wake up."

"You knew?!" napatigil ako ng marinig ang gulat na gulat na boses ni Yna.

Nilingon ko siya at nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya. Muli akong humarap sa natutulog na si Xyra at pinagsaklob ang dalawa kong kamay sa kanan niyang kamay. Dinala ko iyon patungo sa mga labi ko.

"I know everything." pagamin ko. 

Wala na rin naman dahilan pa para magsinungaling ako. Narinig na niya, there's not need to tell lies.

"What??" gulat na tanong ni Yna. Hindi ako nagsalita. Narinig ko ang paghila niya ng isang stool palapit sa kinauupuan ko saka naupo. Humarap siya sa akin.

"Since when?" tanong niya.

Napabuga ako ng hangin saka ako humarap sa kanya.

"Matagal na." 

Nakakunot ang noo niya at nagtatanong ang mga mata niya.

"Since when nga??!" iritado niyang tanong.

"Since.... since I woke up." pagamin ko saka sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Nanlaki ang mga mata niya at lalong nalukot ang noo niya. Hindi makapaniwalang umiling iling siya saka nagiwas ng tingin.

"I can't believe this." mahina pero asar niyang sambit. Muli niya akong tiningnan. "Matagal mo ng alam?!"

I nodded my head slowly.

"Why didn't you tell us?" tanong niya.

"Gusto kong kayo ang magsabi."

"Niloloko mo ba ako kuya?! Alam mo matagal na na hindi siya si Aryx! Bakit mo ko nun kinulit na papuntahin siya dito kung alam mo ang totoo?!!" galit niyang tanong. "I would not let her pretend if you did not ask me to get her!! Arg!"

"I thought, I could keep Aryx when she's with me." pagsasabi ko ng totoo.

"Nagawa mo ba?!"

I shook my head and looked at Xyra who's deeply sleeping. "She's different from her." sabi ko saka pumiyok sa huling salita.

Nilunok ko ang namumuong malaking bara sa lalamunan ko. Pinigil ko ang mga luha na nagbabadyang lumabas sa mga mata ko.

"I know.." mahinang pag-sang-ayon ni Yna. Anger is out of her voice now. At parang alam niya ang tunay na nararamdaman ko.

"Ibang iba siya." muli kong hinalikan ang kamay ni Xyra. "I thought I would never like her. Sabi ko, hanggat nakikita ko siya, mananatiling buhay si Aryx. At ayokong sabihin dahil, alam kong hindi niyo itutuloy ang pagpapanggap. I don't want to lose Aryx."

"You've been selfish Kuya." she said.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. A sad smile. "I know that." 

Muli akong tumingin kay Xyra.

"So, you don't like Xyra?" tanong niya, rinig ang kuryosidad sa boses niya.

"I don't." mabilis at sigurado kong tugon. "Hindi ko siya gusto."

"But the way you looked at her... the way you held her... the way you smile at her.. it says otherwise. Hindi mo masasabi na para kay Aryx ang mga ngiti na yon. You looked at Aryx with all tenderness, na parang ayaw mo siyang saktan. You treasured her. Pero si Xyra.. iba. You looked at her as if....."

"As if I want her free?" pagpapatuloy ko sa pangungusap niya.

Tumango siya.

"Mas gusto mong makita siyang malaya, walang pakielam at masaya. Cause that's how Xyra is. And you love seeing her that way. Am I right?" 

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon