Chapter 38

160 10 0
                                    

(This Chapter is dedicated to the girl who continuously  support my story hahaha! Thanks for the votes and comments! Thanks bhe! :* hahaha)


Xyra's POV

Tumingin ako sa kisame ng kwartong kinaroroonan namin ngayon.

Tatlong butiki, may tatlong butiki sa kisame. Yung dalawa, magkatabi sa gilid ng ilaw. At yung isa naman, nasa malayo, magisa.

Bumuntong hininga ako saka binaba ang tingin sa mga kaharap ko.

I was on one corner of the room while Henry and Ivory were on the other side of the room. Nakahilig ang noon ay tulog na si Ivory sa tulog rin na si Henry.

Uhhh, how cute. Ang cute nilang couple.

Well, that's what I would think of ....if I am not myself. Kung ibang tao ako. Kaso hindi eh.. I am Xyra, at yung lalaking nasa harap ko ang taong mahal ko.

Sana ako yun.. ako na lang ulit. Akin ka na lang ulit. Though you were never mine.

I heaved a deep sigh and shed the tears beside my eyes.

Nakakainis, patuloy pa rin yung mga luha ko. Tuloy tuloy lang silang bumabagsak. Ang sakit kasi eh, bakit kailangan ko makulong sa iisang kwarto kasama nila? For 24 hours? Anong pakulo ito?

Gusto ba talaga nila akong mahirapan?

Sa bagay, hindi naman nila alam na mahal ko pa rin si Henry. Hindi nila alam na nasasaktan pa rin ako pag nakikita ko silang dalawa.

Natalo kami sa pustahan. Emi and Felix won the arm wrestling.. But Yna lost. So ayun, talo kami. We chose the consequence. Ayoko naman na malagay sa hot seat. Kaya ito ang naging parusa sa amin.

Though Henry and Ivory don't consider this as one. Ako nga lang yata ang nagiisip na parusa 'to e. Ako lang kasi yung nasasaktan.

Gumalaw si Ivory at mas humilg kay Henry. Umayos naman si Henry para maging komportable si Ivory.

Nagiwas na ako ng tingin. I can't take the pain anymore.

Hindi ako makakatulog sa mga nakikita ko! Palabasin niyo na ako dito.. parang awa niyo na.. ang sakit sakit na e.

Sa ika limang pagkakataon ay napabuntong hininga na lang ako. Alam ko naman na hindi rin nila ako palalabasin. Lalo na at tuwang tuwa si Emi sa naisip nilang parusa para sa amin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig, wala kasi ditong kama. Abandunado na yung gusali, at sako lang ang nandito para tulugan namin. Siguro, yun yung parusa na sinasabi nila. Ang matulog sa papag.

Hay.

Naglakad ako papalapit sa isang sirang bintana. Basag na yung ibang jalousie at tinakpan na lang ng karton yung taas ng bintana. Since malapit kami sa beach, amoy dagat pa rin yung simoy ng hangin kahit medyo malayo na itong gusali na 'to sa resort.

Madilim sa labas at halos wala ka ng makita kung hindi ilang mga punong kahoy. Rinig ko rin ang mga kuliglig. Medyo malakas yung hangin, dahilan para maya't maya gumalaw ang dahon ng mga puno.

I just want to get out of this place. Please.

Humangin ng malakas. Niyakap ko ang sarili ko at hinaplos haplos ang braso ko.

"Can't sleep?"

Napapitlag ako at napatingin sa likod ko.

"Ba't gising ka pa?", tanong niya saka tumabi sa akin at tumingin rin sa labas ng bintana.

Tumingin ako sa noon ay tulog pa rin na si Ivory. Nakasandal siya sa pader at mukhang tulog na tulog.

Binalik ko ang tingin ko kay Henry.

"Did I woke you up?", I asked.

Tumingin siya sa akin...ngumiti...at umiling.

Oh G, buti na lang po at madilim. Di niya nakikita ang pamumula ng mukha ko ng ngumiti siya. Ang gwapo niya pa rin jusko, lalo na sa malapitan.

Nagiwas ako ng tingin.

Katahimikan....

Ilang minuteo rin yun na parehas lang kaming nakatingin sa labas. Walang umiimik. Parehas nakikiramdam.

Tanging ingay lang nga mga kuliglig ang naririnig namin at dampi lang ng malamig na hangin ang umiistorbo sa nakakabinging katahimikan na pumapagitna sa amin.

Muling humangin, hinawi ko ang buhok ko at nilagay iyon sa likod ng tenga ko saka ko muling niyakap ang sarili ko.

"Cold?", tanong niya maya maya. Ngumiti lang ako saka umiling. Pero tinanggal niya pa rin ang blue na jacket niya saka iyon marahan na ipinatong sa akin.

"You don't need to—"

"I insist.", sabi niya ng hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa ginagawa niya. Sa huli, hinayaan ko na lang siya na ilagay ang jacket niya sa likod ko.

Hinintay kong bumalik siya sa tabi ko. Hinintay kong alisin niya ang mga kamay niya sa balikat ko. Pero nanatili siya sa likod ko.

No one spoke.

Hinayaan ko lang siya sa likod ko. Hinayaan ko lang ang mga kamay niya na noon ay nasa braso ko na. Bumaba ang mga kamay niya, at sa pinakamabagal na paraan, niyakap niya ako.

I closed my eyes, pulling myself back together, putting some sense in my stupid mind.

Pinigil kong pumatak ang mga luha ko. Pinigil ko rin ang sarili kong magsalita at sabihin sa kanyang mahal ko pa siya. Pinigil ko ang sarili kong magtanong kung bakit niya iyon ginagawa.

Pinigil ko ang sarili kong malaman ang totoo.. kasi, baka masaktan lang rin ako sa mga sasabihin niya.

What if he just wants closure? Na magpapaalam lang siya? Tatapusin niya lang yung nakaraan namin?

O baka naman makikipagayos? Para hindi na siya makonsensya sa ginawa niyang pangloloko sa kin?

Paano kung gusto niya lang na.... makipagayos kasi ikakasal na siya? At ayaw niyang may dinadala sa konsensya niya?

But..

But what if... he loved me? What if he still loves me?

What if.. he never stopped loving me? Na mahal niya pa rin ako? Na gusto niyang makipagayos.. na ayaw niya nang magpakasal?

Paano kung .... Paano kung ako pa rin pala?

Muli akong bumuntong hininga.

Bahala na..

Inangat ko ang mga kamay ko para sana hawakan ang mga kamay niya na nakayakap sa akin....

Pero kumalas na siya sa pagkakayakap.

I stiffened.....

"I'm.....I'm.. Sorry.", he said... before he went back beside Ivory.

I closed my eyes and my tears dropped.

It hurts.......It fvcking hurts.

A/N: Marami pang kasunod hahahaha! Late christmas gift guys hahaha! Saka, advance  valentine gift ko. Hahahaha!

XOXOXOXO

LittleChin

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon